Chapter 35

394 12 2
                                    


Hindi na ako nagpasundo kay Zach dahil namili ako ngayon. Idinahilan ko sa kanya na kailangan niyang magreview at magpahinga. Gusto kong pumunta sa bahay nila dahil may halong lungkot at pagod ang boses niya.

Nag-aalala talaga ako, kaya lang ay 'wag na raw ako mag-abala dahil gabi na. Tatawagan ko na lang siya mamaya.

Inilabas ko ang aking mga ipinamili at sinimulan na magbake. Pinahiram sa akin ni Berna ang lumang oven sa shop. Maliit lang ito at nadala na ni Kuya Jack kaninang tanghali rito. Nagpaalam na raw siya kay Ma'am Realyn kaya okay na raw.

Habang ginagawa ko ito ay si Zach lang ang laman ng isip ko. Sana magustuhan niya ito bukas. Ang tanong... alam niya ba na monthsary namin bukas?

Go away negative thoughts! Pinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa. Naghanap ako ng navy blue na pang icing, blackberry at bubble gum flavors lang ang akong nakita. Nagdagdag na rin ako ng chocolate baka kasi hindi niya magustuhan. I made fifteen pieces of cupcake.

Inilagay ko ito sa refrigerator, mabuti na lang at kasya. Baka problema-hin ko pa kung saan ko ilalagay.

Hindi na ako nagluto ng pagkain dahil bumili naman ako sa shop ng tatlong cupcake. Mabubusog na rin ako rito.

Habang nakain ay naisipan kong magredeem para matawagan si Zach. Siguradong may problema siya ngayon. O, baka pago lang talaga.

Mabuti na lang at sapat ang points ko para sa CA10. Naka-ilang ring na ang phone ko pero hindi pa rin sumasagot, hanggang sa namatay na. Si Fathima na lang ang aking tinawagan, baka may pinuntahan si Zach.

["Hello! Na-miss kitaaaaa! Anyway, bakit ka napatawag?"]

"I miss you too! Kasi ano... 'yung kuya mo hindi sumasagot sa tawag ko. Nasaan ba siya? Umalis ba?" nag-aalala kong tanong.

["Nasa kwarto lang siya, kasi hindi naman siya sumabay sa amin kumain. Baka natutulog na Ai-ai!"]

"Salamat! Ba-bye!" paalam ko.

["Byersss!"] Napatawa naman ako sa paalam niya.

Sinubukan ko muli tawagan si Zach kahit abot kaba ang aking nararamdaman. Hindi kasi talaga ako makamatulog once na hindi siya maging masaya.

["Hmmm?"]

"Captain..." malambing kong tawag.

["O, baby! Shit! I'm sorry!"]

"No! No, don't curse. I don't like that. Anyway, did I wake you up? I'm sorry!"

["It's okay, nakakain ka na?"] Ang husky ng boses niya kaya alam kong kagigising niya nga lang.

"Of course, e ikaw? Bakit hindi ka pa kumakain ha? Ikaw mismo ang nagsabi na 'wag—"

["Baby, nakatulog ako kaya nakalimutan ko. Just calm down!"]

"Yeah, yeah! Whatever, I know you has a problem. You can open it up on me, captain..."

["A-about lang sa pagre-review. You know kailangan kong maipasa. I'm okay baby, don't worry about me."]

"But! Zachary Gomez, you're lying! I know something is wrong. Tell me, I'm your girlfriend and bestfriend, captain," saad ko.

["Baby, it's about my exam. I need to review more, b-because of my parents. I need to pass this, I don't want to disappoint them,"] malungkot niyang sabi.

"Go! But if you can't do that, don't push yourself too much. Just do what you can, okay captain?" malambing ko sabi.

["Yeah, it's a go sign for me. I can baby, if it's for someone I love, for someone I cherish the most. If I can make someone happy with that, then I'm in baby..."] malungkot niyang sabi.

To Fly with You (Scarlett University #2)Where stories live. Discover now