Chapter 24

402 12 1
                                    

Half-day lang daw kami ngayon ayon sa SU page. Sa totoo lang ay may kaibahan ang SU sa ibang university  wala silang Christmas break. Pero maaga ang graduation, at the end of January.

Walang pasok sa December 25 tapos balik pasok na ulit. Inaantay ko ngayon si Zach dahil papasok na kami. Hindi pa naman ako male-late ay kumain muna ako ng tinapay.

Tumunog ang aking cellphone kaya tinignan ko ito.

Zach (Baliw):
Otw na ako srry late

Me:

Ok lang! Ingat!

Lumabas na ako ng apartment para abangan si Zach. Saktong paglabas ko ay biglang pagdating ng kotse nya.

"Happy birthday Zach!" bati ko sa kanya.

"Thank you! Let's go, baka malate tayo." Pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok na din sya.

"Tinatanong ka nga pala ni mom kung anong oras ang punta mo roon?" tanong nya.

"Uh, 'pag party na siguro. Kailangan ba nakamake-up ako? Wala akong alam sa ganoon, e," saad ko.

"May mag-aayos sa iyo, sa bahay ka na ba magpapaayos o dyan sa—"

"Sa inyo na! Nakakahiyang papapuntahin ko pa sa apartment." Tumawa siya sa aking reaksyon.

"Sumabay ka na sa akin 'pag lunch na. Doon na tayo didiretso, okay?" Tumango ako sa kaniya at nagkabit ng seat belt.

"Nakakahiya tuloy sa inyo, gagastusan nyo na naman ako." Hinawakan nya ang aking kamay at bahagya itong pinisil.

"Wala lang ito Aivy, kung pwede nga lang doon ka na lang tumira. Alam namin na hindi ka papayag kaya hindi na namin sinabi," sabi nya.

"No way, ito ngang gumastos kayo sa akin nahihiya na ako, yun pa kayang tumira sa mansyon nyo? Hindi na kakayanin ng mukha ko," seryoso kong sabi.

"Haha! Relax, hindi ka namin pipilitin. Kumain ka ba ng breakfast mo?"

"Tinapay lang, ayaw ko kasi kumain ng kanin. Wala ako sa mood," sagot ko.

"Sabihin mo tinatamad ka lang magluto. Sana sinabi mo agad para nagdala ako ng pagkain, ang dami sa bahay." Umiling naman ako sa kaniya.
"Hindi ako tinatamad, ayoko lang talaga," katuwiran ko.

"Wag ko lang malalaman na nagda-diet ka! Ang payat mo na, baka madala ka na ng hangin," asar nya sa akin.

Hindi na lang ako umimik at tinignan ang labas.

***

"Hi Ai-ai, binati mo na ba si Kuya Zach?" tanong nya sa akin.

Wala naman kaming ginagawa kaya lumipat sa tabi ko si Fathima.

"Oo naman, makakalimutan ko bang gawin iyon?"

"Oo nga naman, daming pupunta mamaya na kaklase natin. Invited lahat ng estudyante sa SU."

Napatingin ako sa kaklase naming nag-uusap sa susuotin nila mamaya.

"Hindi iyon imposible lalo na at dean naman ang tita nyo," sabi ko.

"Yeah, siguradong inaalam na nila kung sinong partner ni kuya, haha!"

To Fly with You (Scarlett University #2)Where stories live. Discover now