Chapter 17

388 10 0
                                    


Katatapos lang namin kumain ng lunch at nagpasama si James sa Genius Bookstore.

"Wala ka bang bibilhin Aivy?" umiling lamang dahil nagtitipid ako ngayon.

Kailangan kong magtipid ngayon dahil sa mga bayarin. Bukas ay sisingilin na ako ni Ate Ezme sa renta kaya naman kailangan kong maglaan ng pera.

"Wala ka bang kulang na school supplies? Ballpens, papers, mag-eexam na tayo," tanong nyang muli pero iling lang akong sinagot.

"Wala naman, meron pa naman akong mga gamit." Tinignan ko ang isang notebook na diary ang style. Mahilig ako sa diary notebooks, collection lang naman. Tinignan ko ang presyo at muntik na akong mahimatay.

"Grabe naman, four hundred na ito? Ang mahal naman, hindi ko talaga ito bibilhin," bulong ko sa aking sarili.

Madami na akong mabibili doon na ballpen at papel. Tingin ko naman ay worth it ang presyo dahil maganda pero hindi ako bibili ng ganoon.

"You like it? I'll treat you! Naubos ko na ang oras mo kaya pangbawi man lang," saad ni James na nasa tabi ko ngunit umiling lang ako.

Sobra na ang kwintas, hindi ko naman kailangan ng notebook na iyon.

"Hindi ko gustong bilhin kaya malaking hindi ang sagot ko. Anyway, tapos ka na?"

"Yes, let's go?" yakag nya sa akin at inakbayan nya ako. Nasa kabilang kamay nya ang dalawang paper bag na lagyanan ng kanyang pinamili.

"Son!" sigaw ng kung sino at tumigil kami. Nilibot ko ang tingin upang hanapin ang may kanya ng boses at napadako ang aking tingin sa babaeng bumebeso kay James.

Ang ganda niya!

"Hi mom! Sinong kasama nyo?" tanong ni James.

Nanay nya pala iyon? Grabe ang bata pa, hindi sya halatang may anak na. Tahimik lamang ako sa isang tabi at tinitignan ang nanay ni James. Sa itsura nito ay mahahalata mong mayaman dahil ang sapatos na napakakintab, ang dress na mukang libo din ang halaga.

"Wala, anyway what are you doing here? Namili ka ng gamit mo sa university?" Tumingin ito sa paperbag na hawak ni James at buti na lamang ay natatakluban ng GB paperbag yung lagyanan ng kwintas.

"Yes mom, by the way I'm with my friend, Aivy." Hinila ako ni James palapit sa kaniya at nginitian ko si Mrs. Buenaventura.

"Omyghad! May girlfriend ka na anak? Thank God! Hindi ka nga bakla, buti na lang." Nakahawak pa ito sa kanyang dibdib at hindi ko mapigilan ang mapatawa.

Iniisip nilang bakla si James dahil wala pang girlfriend, kung maririnig lang ito ni Fath.

"C'mon mom! I'm not gay, kaibigan ko lang sya at kapatid." Pinisil nya ang aking pisngi at hindi ko maiwasan na haplusin ito. Ang sakit kaya!

"You know what hija, you look familiar. Nice to meet you...?"

"Aivy po Mrs. Buenaventura," nakangiti kong sagot.

"Oh, Aivy don't call me like that, it's too long. Call me Tita Patricia," malambing nyang saad at hinaplos ang aking buhok.

"Anyway, I need to go. Take care and Aivy, pay a visit on our house. I will be glad if you do." Lumapit ito sa akin at bumeso. Tango na lamang ang aking isinagot at lumayo ng kaunti upang bigyan ng privacy ang dalawa.

Ang bait nya, talagang inimbatahan pa ako sa kanila. Nakakahiyang pumunta, hindi pa naman nila ako gaanong kilala.

"Bye Aivy and James," paalam nya at tumalikod na sa amin.

"Buti na lang at hindi nya napansin yung isang paperbag kung hindi ay nabuking na tayo," saad nya at inakbayan ako.

"Bait ng mommy mo, swerte mo sa kanya," sabi ko.

To Fly with You (Scarlett University #2)Where stories live. Discover now