Chapter 5

576 13 0
                                    

WARNING: R-18 (Slight) The following scene is abt sexual harassment. Skip this scene if you're not comfortable.

"Una na ako ha? Hoy Dave! Ingatan mo yang si Aivy, lagot ka sakin. And Aivy, don't worry mapagkakatiwalaan yan. Byeeeee!" sigaw ni Bernadeth sa amin at nakapamewang pa ito na animo ay nanay na nagsesermon sa anak.

Lumabas na ito at napatawa kami ni Dave. Loka-loka talaga yon.

"So.....sarhan na natin?" nakangiti kong tanong.

"Teka lang! Naiwan ko ang laptop ko sa loob." Tumakbo sya sa loob at ako naman ay umupo muna.

Habang nililibot ko ang aking mata sa shop ay biglang tumunog ang aking phone kaya naman kinuha ko ito.

"Hello Zach?" sagot ko sa tawag niya.

["Hello, uuwi ka na?"]

"Oo, pauwi na. May iniintay lang—"

"Aivy, tara na! Nakuha ko na." sigaw ni Dave at nagsign ako ng 'wait'. Tumango ito at pumuntang kusina.

["Sino yon? Bakit boses lalaki ha?"] seryosong tanong nya.

Lagot ako nito.

"Ano...katrabaho lang. Uwi—"

["Wait! Hayaan mong nakatawag ako sa iyo habang nauwi ka. Baka rapist yan, at least naririnig ko ang pag-uusapan nyo."] Napasimangot ako sa sinabi nya.

"Paano ang privacy namin?"

["Bakit? May pag-uusapan ba kayo na bawal kong malaman? Crush mo ba yon?"] galit na tanong nya.

Eto na naman po tayo, lagi nya na lang ako pinaghihinalaan.

"Bakit ba lagi kang ganyan? Lagi mo na lang ako pinagbabawalan sa mga lalaki na kaibigan ko. Hindi naman kita boyfriend pero kung umasta ka parang ganon. Bestfriend kita okay? Pero wag ka naman sumobra! You're being judgemental to the other guys." inis na sabi ko sa kaniya.

Nakakainis na, lagi na lang syang ganoon. Kung umasta sya ay lahat ng lalaki ay may gusto sa akin. Ang judgemental nya rin, lagi na lang masama ang iniisip nya.

["S-sorry! Sorry kung ganoon ako, ayaw ko lang naman na may mangyari sa iyong masama. Wag kang mag-alala, di na kita pagbabawalan. Pwede mo ng gawin ang gusto mo, makipagkaibigan ka sa ibang lalaki. Basta wag mo akong k-kakalimutan ha? S-sorry ulit."] And he ended the call.

"Okay ka lang Aivy? Mukang nagkasagutan kayo ng kausap mo ah."

"Wala yon, medyo may di lang pagkakaintindihan. Tara na!" ngiti kong sabi at lumabas na.

Pinanood ko syang ilock ang shop. Napatingin ako sa aking relo, it's 8:45 pm na. Buti na lang wala kaming assignment at walang pasok bukas.

"Saan ka nyan sasakay? Gabi na oh, baka mapahamak ka." sabi ni Dave na nasa tabi ko.

I just shrugged my shoulders. Iniisip ko pa rin ang sagutan namin ni Zach kanina. Sumobra ba ako? Nasaktan ko ba sya? Hala, anong gagawin ko?

Sumosobra na din naman sya ah. Ang dami nya nga laging kasamang babae,di ko naman sya pinagbawalan. And I'm sure kung pagbabawalan ko sya, di nya susundin.

"Uhm Aivy? Are you okay? Natigil ka kase tapos sisimangot tapos lalakad ka uli." sabi nya at ako naman ay biglang nahiya.

Para akong baliw na ewan kanina. Bumuntong hininga na lang at nginitian si Dave.

"May iniisip lang, sige una na ako sa paradahan. Baka kase wala na akong masakyan." sabi ko sa kaniya.

Aalis na sana ako ng hawakan nya ang aking braso, kaya naman napaharap muli ako sa kaniya.

To Fly with You (Scarlett University #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora