Chapter 1

1.3K 30 1
                                    

Simula ng araw na iyon ay naging malapit na kami ni Zach to the point na magbestfriend na kami.

"Bakit ka dyan ka nakatulala? Ano iniisip mo pa rin si Saimon? Manloloko yon, kaya wag kang pumayag makipagdate." babala ni Zach.

"Grabe ka alam mo ba yon? Tyaka hindi yun ang iniisip ko okay? Yung sa exam natin next week, nagpapalano ako kung paano ako magrereview." nakasimangot kong sabi.

Kanina ay lumapit sa amin si Saimon, ang captain ng soccer team. Niyayaya nya akong magdate, kaya lang tinakot ni Zach. Gwapo si Saimon at magaling din sa academics kaya lang ay may pagkamayabang.

"Buti naman, wag kang papayag na makipagdate doon ha? Sa Saimon na yon. Pangit naman yun." pangpupula nitong sabi.

"Ano bang problema mo kay Saimon? Mabait yun, baliw! Tara na nga sa cafeteria, baka andoon na sila Javier."
At hinila sya patayo, naandito kami sa isang garden na may mahabang bench.

"Si Javier lang talaga ang gusto mong makita no? Tapatin mo nga ako, may gusto ka ba sa kanya?" seryosong sabi nya at hinila nya ako sa isang bench.

Ano bang nangyayari sa kaniya? Lagi nya na lang iniisip na may gusto ako sa babanggitin kong pangalan ng lalaki.

"Wala ano ka ba! Magtotropa tayo diba? Ano bang nangyayari sa iyo?"
tanong ko habang natatawa.

Umiling-iling ito at hindi na nagsalita.
Hinila ko na lang sya papuntang cafeteria.

"Sabi sa inyo sila na eh."

"Eh magbestfriend nga lang daw sila."

"Eh bakit magkaholding hands?"

Dahil sa aking mga narinig ay napatingin ako sa aking kamay, magkahawak nga kami. Pinipilit kong bumitaw ngunit mas lalo nya lang itong iniigpitan.

"Hoy! Bumitaw ka na oh, ang dami ng nakatingin." saway ko sa kaniya.

Hindi nya ako pinansin bagkus ay binilisan nya ang lakad. Nakarating kami sa cafeteria ng tahimik. Alam kong nakita din nila kamay namin na magkahawak.

"Uhm, bakit ngayon lang kayo kuya? Kanina pa ang labas namin ni Aivy at kayo din." nanliliit ang mata nitong tanong.

Naramdaman ko na lang na binitawan ni Zach ang aking kamay, kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. Ngunit naramdaman ko na lang na may nakaakbay sa akin, kaya naman napapikit ako sa kaba.

Ano bang trip ni Zach ngayon? Pinagtitripan na naman ako.

"Tumambay lang kami doon sa garden. Order lang ako ng pagkain namin." sabi nito at akmang tatayo ng nagsalita muli si Fath.

"Baka natin?" maikli nitong sabi.

"Pagkain lang namin ni Aivy. Umorder kayo ng inyo." sabi nito at pumunta na sa counter.

Ako naman ay nabablanko sa mga kaganapan ngayong araw. Hindi naman siya ganyan dati eh, sinasama nya sa pag-order sila Javier.

"Ako na lang ang oorder ng sa atin Jean. Una na muna ako sa inyo." paalam ni Javier at sumunod kay Zach sa counter.

"Hoy Ai-ai! Come here!" tawag nya sa akin kaya naman lumipat ako sa tabi nya.

Mukang tatanungin ako nito ng sandamakmak.

"Anong meron sa inyo ni Kuya ha? Kayo na ba? Sabi na eh! I'm happy for the both—" pinigil ko sya dahil ang imagination nya ay sumobra na.

"Alam mo Fath, wala lang yon okay? Ewan ko din sa kuya mo kung bakit nya iyon ginawa. Magbestfriend lang kami, parang tayo nila Javier." paliwanag ko sa kanya.

To Fly with You (Scarlett University #2)Where stories live. Discover now