Chapter 25

388 13 0
                                    


It's 10:35 am but I don't know if I want to go out. It's Christmas Day! And yet, I'm alone. Pagod na pagod ako sa nangyari kagabi at masaya na rin. Hindi maiiwasan ang mapanghusgang tingin ng aking mga kaklase pero ang iba naman ay hindi na.

Kaninang madaling araw ako umuwi dahil masyado na akong nahihiya kung magpapaabot pa ako nang umaga roon. Anong oras kaya ang punta ni Zach dito? Baka mamayang hapon pa.

Binuksan ko ang phone ko at sumalubong sa akin ang mga bati nila. Nagtext din ako ng 'Merry Christmas!' sa kanila. Wala akong regalo na maibibigay sa kanila, wala naman kasi akong pera na malaki. Siguro 'pag nakasweldo na ako.

Nagscroll ako sa facebook at puro pagbati ang nakikita ko. Ang iba naman ay litrato na pumunta silang simbahan kasama ang pamilya. Sana all!

"Merry christmas God! Happy birthday to you," saad ko sa kawalan. I know you can hear me.

Inilibot ko ang aking tingin sa apartment. It's filled of sadness and loneliness. Wala man lang akong dekorasyon at handa. Ako lang naman mag-isa at may pagkain naman sa refrigerator.

Tumayo ako at napagpasyahang maligo. Magsisimba muna ako...

***

Nagsuot na lang ako ng croptop shirt at jeans. Sinuot ko ang rubber shoes na regalo ni Fathima noong birthday ko. Pinuyod ko na ang buhok na pamessy bun at naglipgloss. Okay na ito!

Dahil pasko ay madaming tao at pahirapan sumakay. Ilang minuto akong nag-intay ng jeep na may bakante pa na upuan.

Napangiti ako ng makita ang mga bata na magaganda ang suot at mga bag na maganda ang disenyo. Ang mga nanay nila ay kasama nila at mukang mamasyal. What a happy family!

Bumaba ako sa tapat ng simbahan at nakita ko ang mga paninda. Nakuha ng isang tindahan ang aking atensyon. Christmas cards ito na iba't iba ang laki at disenyo. Bumili ako ng sampung piraso at kasing laki lang ng maliit na notebool ang sukat.

"Salamat ineng at maligayang pasko!" saad ni lola na tindera.

"Salamat din po at maligayang pasko! Bye po!" wika ko at pumasok na sa simbahan.

Malapit ng matapos ang misa, buti nakaabot ako. Nag-antanda muna ako bago umupo at nakinig ng misa.

"Lumuhod po at magdasal tayo," saad ng pari.

Ibinaba ko ang luhuran at lumuhod ako.

Panginoon, salamat po sa lahat ng biyaya. Salamat sa paggabay sa amin ng aking mga mahal. Salamat sa mga kaibigan at tita na ipinakilala nyo po sa akin. Huwag po sana kaming magkasakit at sorry po sa aking mga kasalanan. Ang aking hiling po ngayong pasko ay maging healthy kaming lahat at yun po ulit...

Ang makilala at makasama ang aking mga magulang. Sana po ay nasa mabuti silang kalagayan. Happy Birthday Jesus! Amen!

Minulat ko ang aking mata at muling umupo. Pagkatapos ng misa ay nanatili ako sa simbahan. Kinuha ko ang ballpen na laging nakalagay sa bag ko. Susulatan ko ang mga cards na binili ko. Nilagyan ko ng pangalan kung para kanino ang card. Sana magustuhan nila ito kahit ito lang ang nakayanan ko.

"Para kay Zach, Fathima, Javier, Berna at James ang kulay red na cards," bulong ko sa aking sarili.

Kulay pula ito na card na nababalutan  ng nagkikintaban na tela. May muka ni Santa Claus sa unahan nito na nakapop-up. Wala iyon na glitters, makalat din kasi iyon. Kapag binuksan ang card ay may nakalaan na space kung saan isusulat ang mensahe mo, may mga design din ng regalo at christmas tree. Kapag tapos na ay may ribbon na itatali para hindi bumukas.

To Fly with You (Scarlett University #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon