Chapter 33

391 13 12
                                    


Pagkatapos ng program ay sa bahay raw nila ang handaan. Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Zach at patungo na sa bahay nila.

"Baby?" tawag niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

"Hmmm?"

"Bakit late ka kanina?"

"Tinanghali ako ng gising plus humanap ako ng regalo para sa'yo," sagot ko. Kinuha ko ang cellphone ko to check James.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na si Bea pala 'yon. Kaya pala sabi niya masungit, well mukhang rin namang mabait si Bea.

"Really? So, what's your gift for me?" tanong niya.

"Aviator shades, but it's not branded. Wala akong pera for Chanel and Gucci. Wala pa akong trabaho, you know," natatawa kong sabi.

Itinago ko ang aking phone dahil hindi siya nagrereply. Maybe he is busy right now to Bea. Probably...

"C'mon! I don't need Chanel and Gucci stuffs. All I need is you!" And he winked on me.

Oh, here we go again! Ang cheesy niya!

"Grabe, ang cheesy mo pala. Pero nakakakilig naman so, pasado. Haha!"

"I'm not cheesy! I'm just showing how much I love you. Palibhasa, hindi ka sweet!" nakanguso niyang sabi.

"Paano ba maging sweet? Eto ako e, and I don't want to change my self!" saad ko.

Maybe I'm not sweet but God know how much I love him.

"Hindi ko sinabing baguhin mo ang sarili mo. Okay? Ayokong baguhin mo ang sarili mo for me. Sinasabi ko lang naman," mahinahon niyang sabi.

"Yeah, sorry Zach. I'm so childish..." nakanguso kong sabi.

Ako pa ata ang magsisimula ng una naming away.

"Okay lang baby, mapang-asar din naman ako. We're the same," aniya.

Tumigil na ang sasakyan dahil nakarating na pala kami. Hindi ko man lang namalayan. Pinagbuksan niya ako at sabay kaming pumasok.

Sa front yard pa lang nila ay kita na ang ayos ng bahay nila. Or should I say mansion nila? Para kay Zach ay bahay pa lang talaga ito.

Nakasalubong namin ang basketball team. Ang kilala ko lang ay si JC, ang captain. Iginala ko ang tingin at nakita ko rin ang soccer team. Please, no Saimon for today.

"Hey, dude!" bati ni JC. Ganoon rin ang iba pang lalaki, na hindi ko kilala.
Aaminin ko na may kagwapuhan din silang taglay. Kung alam ni Zach ang iniisip ko, he will kill me.

"Enjoy yourself okay? There's a party later," malamig na sabi ni Zach kaya napalingon ako.

Parang kanina ang saya niya? Minsan talaga ang hirap niya intindihin. Hinapit niya ang aking bewang palapit sa kanya.

"Wait, Zach," pigil ni JC sa amin.

"Yeah?"

"I think you're familiar. Nagkita na ba tayo?" saad ni JC habang nakatingin sa akin.

"Ako?" tukoy ko sa aking sarili.

"Yes, familiar ka talaga!" masaya niyang sabi.

"Saka mo na lang kausapin ang 'girlfriend' ko kapag naisip mo na. Excuse us," masungit na singit ni Zach.

Hinila niya ako bigla papasok.

"Wait! Baka madapa ako," angal ko kay Zach. Ang bilis niya kasi maglakad, feeling ko nagagaladgad na ako.

To Fly with You (Scarlett University #2)Where stories live. Discover now