Napasipol si Cloud. “What’s with her to make you feel like this?”

          Umupo si light sa kama at masuyong hinaplos ang buhok ni Gift. “She made my world stop.”

          Sandaling hindi nakaimik si Cloud. Paano naman niya kwekwestiyunin ang isang damdaming tulad noon gayong alam na alam niya ang pakiramdam na sinasabi nito. “You’re really serious about her, aren’t you?”

          Sa halip na sumagot ay patuloy lang ito sa paghaplos sa buhok at mukha ni Gift na para bang tuluyan na nitong nakalimutan ang presesnya niya sa loob at ang tanging nakikita lang nito ay si Gift kaya naman naiiling na lang na nagdesisyon siyang umalis na.

          Matapos maisara ang pinto ng kwarto ni Gift hindi maiwasan ni Cloud ang mapapitlag sa gulat ng pagharap niya ay si Lumina ang nabungaran niya na tahimik na nakasandal sa dingding habang nakapamewang at nakataas ang isang kilay nakatingin sa kanya.

          “Jesus woman papatayin mo ba ako sa gulat!” Ang hindi niya napigilang bulaslas.

          Napaikot ang mga ni Lumina. “Don’t be melodramatic Cloud. Kanina pa kita iniintay.”

          Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Cloud. “Miss me already my very dear Lumina?”

          Pinigil ni Lumina ang inis sa halip ay tiningnan lang niya ito ng masama na ikinatawa nito at lalo naman niyang ikinaiinis.

          “Gusto mo bang kalmutin ko ang mukha mo Cloud! Gusto ko lang sabihin na tigilan mo na anumang binabalak mo kay Gift.”

          Tuluyan ng kumawala ang malakasna tawa ni Cloud kaya naman bago pa siya maging biyolente pinili na lang ni Lumina ang talikuran ito bago pa niya makita ang sariling hinihimas ang rehas ng kulungan dahil sakasong murder. Paano ba niya naisip na may mangyayari kapag kinausap niya ito? Pero nakakailang hakbang pa lang siya ng maramdaman niya ang kamay ni Cloud sa kanyang braso bago siya mabilis nitong isinandal sa pader gamit ang sarili nitong katawan.

          “Cloud!” She said warningly lalo pa at halos wala ng pagitan ang katawan nila sa isa’t isa at mukhang wala na din itong balak na pakawalan pa siya.

          Seryoso ang mukha ni Cloud habang nakatingin sa kanya pero ang mga emosyong naglalaro sa mga mata nito na Malaya niyang nababasa ay parang bakal na pumipiga sa kanyang puso.

          “You have no idea how much I miss you, Luimina.” Ang madamdamin nitong anas habang masuyong hinahaplos ang mukha niya.

          Mabilis niyang naiiwas ang mukha dito dahil sa takot na  kapag sinalubong niya ang mga mata nito ay mabasa din nito ang mga emosyon sa kanyang mata na matagal na niyang pilit pingsumikapang itago.

          Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ni Cloud bago dahan-dahang binitiwan ang dalaga. “Don’t worry kahit naman ganito ako hinding hindi ako gagawa ng bagay na makakasakit sa iyo. Alam mong kaya kung saktan ang kahit na sino…maliban sa iyo. Paano ko gagawin iyon kung para ko na ring piñata ang sarili ko?”

          Masuyong halik ang iginawad nito sa noo niya dahilan para mapapikit siya sandali bago Isang malungkot na ngiti ang ibinigay nito bago ito tuluyang naglakad palayo. Malungkot na ngiti na parang dumudurog sa kanyang puso at bago pa niya namalayan pumapatak na pala ng kusa ang mga luha niya.

          “Magpakatatag ka Lumina…kailangan mo itong gawin…kailangan!” Mariing ipinikit ni Lumina ang kanyang mata. Ito ang mga salitang lagi niyang sinasabi sa kanyang sarili sa tuwing dinadaig na siya ng kanyang puso at gusto na sumunod dito ng kanyang utak.

          Nang imulat niya ang kanyang mga mata nagulat pa siya ng makita si Light na nakatingin sa kanya, nakalabas na pala ito ng kwarto ni Gift ng hindi niya namamalayan.

          “That fool love you so much.” Ang mahina at seryosong sabi nito habang nakatingin sa kanya na para bang gusto nitong basahin kahit na iyong pinakatatago niyang lihim.

          Iniiwas niya ang mga mata bago mabilis na pinahid ang kanyang mga luha. Kahit kailan hindi siya nagkamali between Cloud and Light pero hindi ibig sabihin noon ay hindi niya naaalala si Cloud sa tuwing nakikita niya si Light. “Stay out of this Light!” Ang may babala niyang sabi.

          “I will if you will tell that fool to stay away from Gift.”

          “Bakit hindi ikaw ang magsabi sa kanya!” Ang pinakaayaw niya sa lahat kapag kasama ang dalawa ay iyong pakiramdam na ginagawa siyang messenger bird ng mga ito dahil kahit pa nga mainit ang dugo sa kanya ni Light ay mas higit pa rin ang nararamdaman nito para sa kambal kaya mas natotolerate nito ang presensya niya kahit paano pag magkasama silang tatlo.

          “Pareho nating alam na ikaw lang ang pinakikinggan niya. Lahat ng sasabihin mo gagawin niya kahit pa ang tumalon sa bangin.”

          Napaikot ang mata niya. “You’re exaggerating!” Ang naiiling niyang bulaslas.

          “Am I? O hanggang ngayon nagbubulag-bulagan ka pa rin sa nararamdaman ni Cloud para sa iyo.”

          Naiinis na tininingnan niya ito. Ito yata ang pinakamahaba nilang conversation pero hindi niya akalaing ang magiging topic nila ay ang nararamdaman ni Cloud para sa kanya. “He is just fascinated with me.”

          “Naniniwala ka ba talaga sa sinasabi mo?” Light said with a clear amusement in his eyes.

          Hindi nagustuhan ni Lumina ang amusement sa mga mata nito. “Alam mo kung bakit hindi kami pwede.” Ang naiinis niyang sabi.

          Nagkibit balikat si Light. “Honestly wala akong pakialam.”

          Hindi naman napigilan ni Lumina ang pagbangon ng inis sa kanyang kalooban. “Talaga bang kinalimutan mo na kami Light!”

          Sa  halip na sumagot ay tinapunan lang siya nito ng malamig na tingin bago walang salitang naglakad na palayo.

          Ang sundan lang ng tingin ito ang tanging nagawa niya. Alam niya kung gaano kalaki ang galit sa puso ni Light at alam niyang may dahilan ito para magalit ng ganoon pero ang hindi niya matanggap ay ang pagiging selfish nito.

          Isang napapagod na buntong hininga ang napakawalan niya bago tumingin sa nakasaradong pinto ni Gift. Tahimik niyang hinihiling na sa tulong ng kaibigan ay mapalambot nito ang nagyeyelo ng puso ni Light para sa kanila.

ITUTULOY…

 

Please kindly comment and vote…Thanks everyone…

         

         

                  

         

         

         

         

         

                  

"My Possessive Devil"Where stories live. Discover now