Chapter 41: Akin Ka

1.7K 40 2
                                    

*Trixie's POV

Mabilis na natapos ang maghapong pagsasama namin ni Gian. Aaminin 'ko nag enjoy ako pero ni minsan, hindi 'ko nagawang hindi isipin si Xander.


Paano kaya kung sya ang kasama 'ko at hind si Gian? May isasaya pa kaya ako? Galit kaya sya? Nagseselos nga kaya talaga sya? Anong sasabihin 'ko kapag nagkita kami? Umuwi na kaya sya? Sino kayang kasama nya? O kaya naman ay kung kumain naba sya? I feel bad. I'm with Gian but all the time I was thinking of Xander. Is this the right time to tell Gian? Makakaya 'ko kaya kung ano man ang magiging reaksyon nya?


This is all I want ever since. Ang maging akin ulit si Gian. Ang marealize nya ang taong pinakawalan nya at ang paghirapan akong makuha ulit. Ang makasama sya ng araw araw. Ang bigyan ang ako ng flowers at chocolates at mag send ng mga sweet messages sa'kin. Lahat ng hiniling 'ko noon, nakuha 'ko na ngayon. Nangyayare na, pero ang kaibahan nga lang, kahit nakuha 'ko na ang gusto 'ko, hindi parin ako masaya. Dahil ibang tao na ang gusto kong gumawa non sa'kin. Ibang tao na ang gusto kong maghirap makuha ako. Ibang tao na ang gustong kong makasama araw araw, ibang tao na ang gustong mag send ng mga sweet messages at magbigay sa'kin ng flowers at chocolates. Iba na. Hindi na si Gian. Si Xander na..


Pero huli na ba? Masyado na ba kong naging manhid at masyado bang natuon ang pansin 'ko kay Gian kaya hindi 'ko na sya napansin? Is he the one I'm searching all along? Sya na ba yung iiba sa mga masasamang pananaw ng ibang babae sa mga lalaki? Damn it! Ang daming kong tanong pero hindi 'ko alam kung saan kukuha ng sagot.


"You're with me. Stop thinking other guy." Malamig na sabi ni Gian na syang kinagulat 'ko. Bumaling ako sakanya pero agad din syang nagbaba ng tingin at tumingin sa ibang direksyon.

"Huh?"

"Nothing. Let's go?" tumango nalang ako. Muntik 'ko ng hilain ang kamay ng kinuha nya iyon, buti nalang at hindi nya napansin.

Nang makarating kami sa restaurant ay agad syang tumawag ng waiter at kinuha ang order namin. At 

habang naghihintay na dumating ang order namin ay may tumawag sakanya. Coach ata nila. Hindi 'ko alam. Nakatuon lang kasi ang pansin 'ko sa cellphone 'ko, nag aabang ng text galling sakanya. Bigla akong luminga sa paligid, nagbabakasakaling nandito pa sya. Binabantayan pa din ako. Hindi ako iniwan.


Ay naku! Nasisiraan na ata ako ng bait! Kung makapagsalita naman ako parang ang lalim nang feelings 'ko sakanya! Samantalang kaka discover 'ko pa nga lang.


"Sinong hinahanap mo?" napaayos ako agad ng upo ng dumating si Gian. Agad akong umiling at pilit ngumiti.

"Bakit kaya kailangan pang tumingin sa iba kung nasa harapan mo na?"

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" umiling sya at ngumiti. Ano kayang nangyayari sakanya.. "Gian, okay ka lang ba?"

"Pinipilit 'ko.. Pinipilit kong maging okay.." agad akong kinabahan sa sinabi nya. Masama pala ang pakiramdam nya bakit pa sya nagyayang lumabas!

"Ano? Anong masakit sa'yo? Masama na pala ang pakiramdam mo bakit hindi ka nalang umuwi at nagpahinga? Baka lumala pa yan!" ngumiti lang sya habang ako halos hindi na nakahinga dahil sa haba ng sinabi 'ko. "Ano ba?!"

Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon