Chapter 25: New Beginning

2K 42 1
                                    

*Trixie's POV

Lumipas na ang bakasyon.


Ang bakasyong na yun ang pinaka ayaw ko sa lahat.


Akala ko nga hindi ko na kakayaning malagpasan yun eh.


Buti nalang at nanatili sa tabi ko sina Mama, Reah at sina Gian at Xander.


Hindi ko alam kung bakit ako tinulungan ng mga 'yan pero laking pasasalamat ko pa din at nandyan sila. Kung hindi dahil sakanila malamang nasiraan na ko ng bait ngayon.


Kung dati sobrang na ang mga panghuhusgang ginagawa ng mga tao sa paligid ko, mas tumindi pa iyon noong bakasyon dahil kumalat iyon sa telebesyon. Hindi man ako nagawang ipakulong ng parents ni Nikka, mas matindi pa don ang ginawa nila sakin. Palibhasa ay parehong nasa politika ay napaka dali para sakanilang gawin kahit na ano.


Nandyang naglalakad ako sa gilid ng kalsada at binangga ako ng isang humaharurot na motor. Galit na galit non si Mama.



"Hanggang kailan ba nila yan gagawin sayo?! Talaga bang kailangang humantong dito ang lahat!? Balak ka ba nilang patayin?" nandito kami ngayon sa ospital. Hindi naman malala ang nakuha kong injury ang kaso puno akong ng gasgas.' Yun ang ikinagagalit ni mama dahil masisira daw ang maganda kong balat.

"Mama, huminahon ka nga. Hindi naman naten alam kung sila nga yung may gawa nito eh."

"Ano ka ba naman!? Halatang halata naman na sila ang may pakana nito no!"

"Ma, huminahon kana nga dyan, nabibingi na ko." sabi ko nalang saka na sya nanahimik.


Nandyang nasa mall ako ng biglang hablutin ang bag. Sa mall magsisigaw ka pero wala man lang dadating na security? Nakakatawa. Buti nalang at memorize ko yung number ni Reah. Nagpasundo ako sakanya at imbes na ako ang maghurumentado dahil ako ang nawalan ay sya na ang gumawa non para sakin.



"Putang ina talaga yang pamilyang 'yan! Hindi na nakakapagtaka kung kanino nagmana ang impaktang Nikka na 'yun! Kulang sa gabay ng magulang kaya kahit patay na sya, demonyita pa rin ang punyeta! Kung ano ang puno sya ang bunga! Kainis talaga!" sabi nya saka hinampas ang manibela.

"Reah, uminahon ka nga. Baka mabangga tayo nya eh."

"At ikaw? Kailan kapa naging damsel in distress ha?! Sanay ako na maldita ka. Sanay akong sadista ka! Nasaan na napunta yung bestfriend ko?!" imbes na mainis ay natawa nalang ako.

Nasaan nga ba napunta yung babaeng palaban? Hindi ko din alam eh. It's just one day I woke up ganito na ko. At magaan ang pakiramdam ko kung sino man ako ngayon.

"Ewan ko sayo Reah. Magmaneho ka na ngalang."


Nandyang naglalakad ako pauwi galing sa 7eleven ng harangin ako ng mga lalaking nakaitim. 'Yun ang pinaka kinatakutan ko sa lahat.



"Hi miss." Sabi nila sakin sabay non ay pinalibutan nila ko. Nandito pa man din ako sa madilim na parte ng kalye na syang hindi nadadaanan ng madalas.

Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon