Chapter 18: Bitter & Angry

2.3K 52 4
                                    

*Trixie's POV

"Para kang patay gutom." Hindi ko na mabilang kung ilang beses na nyang sinabi yan, hindi ko nalang pinapatulan kasi marunong din naman akong magpasalamat at isa pa nagcoconcentrate ako sa pagkain kaya hindi ko aaksayahin ang oras ko sakanya.


Natapos na ang napakasarap na lunch kaya naman kinuha na ni Xander ang bill namin. Hindi ko na tinignan sigurado naman akong mahal 'yun at sya naman 'yung magbabayad, so why bother right? Ang tagal ko narin palang walang boyfriend, wala tuloy akong tagalibre.


"Naghihirap ka ba? Tsaka bakit hindi nililibre ng mga boys mo, eh I'm sure mayayaman lahat ng nasa school natin." Tinignan ko sya dahil para iba 'yung dating sa'kin ng sinabi nya, Pakiramdam ko may tumusok sa dibdib pero hindi ko nalang iyon pinansin at nagkunwaring walang narinig, parang normal nalang lahat. Lagi naman akong nagpapaka normal kahit masakit na eh.

"Hindi ako naghihirap at wala akong boys, wag kang mag aalala bukas hahanap akong target para may taga libre na ko ulit at ng hindi ka maperwisyo. Haha. Wait lang cr lang ako." nakita ko namang may gumuhit na guilt sa mga mata nya pero hindi ko iyon pinansin at pumunta ng cr. Hindi ko din alam kung bakit 'yun 'yung sinabi ko, minsan kasi hindi din nya alam 'yung lumalabas sa bibig nyang hayop sya eh. Hindi nya alam na nakakasakit na sya. Hindi ko talaga makuha 'yung ugali nya.


"Tignan mo nga naman, ang liit lang talaga ng mundo no?" oh great! Kung minamalas ka nga naman talagang si Nikka pa ang nakita ko. Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy lang ang pag aaply ko ng foundation.

"So si Xander Del Fierro naman ang target mo ngayon, Ms.Playgirl?" nginisian ko lang sya sa sinabi nya. Napaghahalata kasing inggit sya kaya ganyan. "Is that a yes?" tanong ulit nya. tinignan ko sya salamin.

"Since when we became friends, Nikka? Why all of a sudden you're asking me if he is my next target?"

"Just answer me Trixie! No question ask!" lalong lumaki ang ngisi ko sa pagsigaw nya.

"Why are you shouting, my dear? Last time I check, you're in a relationship with Gian, so Xander is not yours."

"That's exactly my point here, Trixie. Gian is mine! So stop flirting him!" sabi na nga ba eh, it's all about that damn boy again.

"I don't fucking care about that jerk Nikka. At isa pa, wag kang masyadong magpaniwala sa kasabihan na kung anong ginawa mo sa kapwa mo ay gagawin din sa'yo. Wag kang matakot na landiin at susulutin ko sya gaya ng ginawa mo sa'kin noon." Sabi ko saka inayos ulit ang sarili ko sa salamin. Agad na akong lumabas sa cr dahil hanggat kaya ko umiiwas ako sa gulo.


Pero talagang nananadya 'tong punyetang 'to, dahil hanggang sa labas sinundan nya pa talaga kami ni Xander.


"So you are Xander del Fierro?" tanong nya habang 'tong supladong 'to eh naka poker face lang sakanya. Buti nga sa'yo, kala mo mabait 'to ah. Gwapo lang sya walang bait!

"Stop wasting your time, hindi nya ugaling mamansin at kausapin ang mga katulad mo." sabi ko sakanya. Ngumisi naman sya agad.

"Bakit ikaw kinakausap ka nya? Diba magkatulad lang tayo? Ay hindi pala, mas masahol ka nga pala kesa sa'kin." ako naman ay natigilan sa sinabi nya hindi ako agad nakakibo kaya nagsalita ulit sya. "Oh hindi ka nakakibo no? Kasi totoo, alam mo ba Xander sa isang araw nakakatatlong lalaki yan, at lahat willing maging maging target nya hindi ko alam kung bakit, siguro magaling sya sa kama." Nawala na sa isip kong iiwas sa gulo dahil ngayon palang gusto ko ng ingudngod itong babaeng 'to sa kalsada at hindi ko sya titigilan hanggat hindi nabubura ang pagmumukha nyang retokada.

Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon