Chapter 29: Her sweet comeback

2.2K 40 0
                                    

*Trixie's POV

Umiyak ako. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Damn Trixie! Kung nandito lang si Reah for sure babatukan kana nya. umayos kana pwede?! Walang dahilan para umiyak. Hindi dapat iniiyakan ang tulad nya. pinunasan ko na ang luha ko ng malapit na kong makarating sa floor ko. Baka makasalubong ko si—


"What the heck?!" singhal nya sa'kin.

"Ah Xander.." tumingin ako sa ibang direksyon at lumabas na ng elevator pero hinigit nya pa rin ako pabalik.

"I'm asking you. What the heck happened? Bakit mukha kang panda?" nanlaki yung mata ko.

"What the? Anong mukhang panda?!"

"Why don't you take a look of yourself?" I rolled my eyes tsaka kinuha ang salamin sa bag ko. And again, nanlaki na naman ang mata ko. Shit! Mukha nga akong panda! Kumalat yung eyeliner ko dahil sa pag iyak kanina.


Tss! Bakit ba kailangang tong kumag na to lagi ang makakita ng mga nakakahiyang pangyayari sa'kin?!


"So now, what happened?" tanong ulit nya. tinignan ko lang sya. Nagmamakaawang wag na lang nya akong tanungin dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at maiyak na naman ako.

"Let's go inside." Saka nya ko hinila papasok sa unit nya. Umupo ako sa couch nya at tumanganga lang doon. Inabutan nya ko ng tsaa.

"Drink." And I did. Tinignan ko sya saka ngumuso.

"Ah Xander ahm.." natahimik ako. Nandito na naman yung nakabara sa lalamunan ko. Naiiyak na naman ako. "It's about Gian.." sa wakas at nasabi ko rin. Natahimik sya. He seems irritated.

"Sino naman yun? Tsaka bakit nagkabaliktad ata. Bakit ikaw na ang umiiyak ngayon?" natawa ako bigla sa tanong nya. "What's funny?"

"Ako. ako yung nagpapaiyak pero ngayon umiiyak ako no? Well, Gian Salvador. The famous Gian Alves. He is the reason why I became a player. Because of this stupid heart. Because of this stupid love. I'm so stupid. I'm so—" natigil ako ng bigla nya kong hatakin papunta sakanya.

"Cry. You can cry. I'm here." Dahil sinabi nyang 'I'm here..' hindi ko na pinigilan pa ang sarili kong umiyak.


Hinayaan ko lang habang mahigpit na nakayakap kay Xander. Buti nalang at nandito sya dahil kung hindi mababaliw ako dahil wala akong masabihan, malapitan dahil hindi kami magka ayos ni Reah.


"Sleep. Stop thinking unimportant things. Especially that asshole." Natawa na naman ako dahil mukhang iritang irita talaga sya kay Gian. Pagbigkas palang ng pangalan nya parang hirap na hirap na sya.

"Yes po. I will. Goodnight.."

"Good night." Pagkatapos ay sinarado ko na ang pinto.


Lord, Salamat talaga kahit na hindi kami okay ni Reah binigyan nyo pa rin ako ng taong masasandalan. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pag uusap namin ni Xander, kaya ng gabing iyon agad akong nakatulog.



"Bullshit! Wake up! Wake up! Malalate tayo." nanaginip ba ko? parang boses to ni..

"Yah!! Trixie! Aigoo! Yung lalamunan ko ang sakit na!" boses ni Reah..


Boses ni Reah?! Minulat ko ang mata ko at mukha nyang galit na galit ang tumambad sa'kin.

Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon