Epilogue

3.1K 74 7
                                    



[Thank you for reading! Please check out my new on going story, "Pagbigyang Muli". ;)


*Trixie's POV

Nang gabing madatnan kami ni Charry sa ganun posisyon ay hindi sya hinabol ni Xander upang magpaliwanag. Ang sabi nya'y panigurado daw na gusto muna nyang mapag isa. Hindi kami close at naiirita ako sakanya pero ng Makita 'ko yung mukha nya, ganun na ganun din ang reaction 'ko noong sila naman ang nadatnan 'ko na ganun ang posisyon.


Sobrang masakit. Sa sobrang sakit, wala ka ng iba pang magagawa kundi ang tumakbo.


At nakita 'ko ang sarili 'ko kay Charry noong gabing yun. Kung tutuusin, wala naman talaga akong dapat ikagalit sakanya dahil nagmahal lang din sya. Yun nga lang ay iisang tao ang minahal naming dalawa kaya naging mali at girlfriend ako ni Xander nung time na yun. I really want to talk to her. Pero ayaw akong payagan ni Xander. Hindi sya tiwalang pakikipag usap ang pakay 'ko sakanya. At baka magkasakitan daw kami kaya ayaw nya kong ipakausap sakanya.


Isa pa si Yvo. Simula nung gabing hinayaan nya kaming mag usap ni Xander ay hindi na sya nagparamdam sa'kin. Hindi 'ko na din sya ma-contact.


"Si Yvo na naman ba yang iniisip mo?" nagulat naman ako sa biglang pagpasok ng lalaking to. Aba teka lang,

"At saan ka nakakuha ng susi ng bahay 'ko?"

"Magaling ako kaya wag mo ng tanungin kung saan ako nakakuha baka mabilib ka lang." sagot nya saka ngisi. Binato 'ko nalang sya ng unan pagkatapos 'ko syang irapan.


Tatlong buwan na din kaming ganito. Sobrang sweet at para ng mag asawa dahil lagi syang nandito sa bahay 'ko pero wala kaming label. Hindi 'ko alam kung ano na ba talaga kami. Gusto kong mag assume na kami pero natatakot ako nab aka hindi naman pala.


Kumbaga, baka tinitimbang lang ulit ni Xander kung sino ba samin ni Charry.


Gustong gusto 'ko syang tanungin pero natatakot ako sa magiging sagot nya.


"Nga pala, may pupuntahan akong party mamaya kaya hindi muna 'ko makakauwi dito ah." Gusto kong tanungin kung saan at kung bakit hindi nya 'ko niyayang sumama sakanya pero tumango nalang ako.

"Ge. Sawang sawa na 'ko dyan sa pagmumukha mo." Saka 'ko ulit sya inirapan. Umupo lang sya sa tabi 'ko saka ako mabilis na hinalikan sa labi. Pagka alis nya ay nagbihis din ako at pumunta sa mall.


Kailangan kong magliwaliw para hindi na 'ko mag isip ng kung ano ano saming dalawa ni Xander.


Nang nasa mall na 'ko ay tinawagan 'ko muna si Xander para ipaalam sakanyang nasa mall ako pero hindi 'ko inexpect kung sinong ang sumagot.


"Hello?"

It's Charry. Damn!

Naninikip na naman ang dibdib ko pero hindi ako nagpahalata. Sabi ko na nga ba at hindi pa rin happy ending ang wakas namin e. May Charry parin. Tang ina! Dapat ata ay sinugod ko nalang ang gagang to!

"Gusto kong maka usap si Xander." Hindi na sya nakapagsalita ng malamang ako ang kausap nya. "Hindi mo ba 'ko narinig?" ulit 'ko.

Ayaw kong mairita pero hindi 'ko mapigilan.

Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon