Chapter 27: Feelings

2.1K 49 4
                                    

*Trixie's POV

Habang bumababa kami ay hindi pa rin nya inaalis ang pagkakahawak nya sa kamay ko kaya kusa ko na 'tong kinuha. Baka kung ano pang isipin ng mga taong makakakita sa'min. At para narin matahimik 'tong kung ano man ang nagwawala dito sa tyan ko.


"Bakit sa dinami dami ng school eh dito mo naisipang lumipat?" tanong ko sakanya. Kasi naman umiiwas nga ako saka naman sya sumunod sa'kin.


Teka, saan mo nakuha ang idea na sinundan ka nya dito Trixie? Umayos ka nga!


"Anong problema don? Bakit iniisip mo bang sinundan kita dito?" sabi na nga ba at maiisip nya yun eh. Masyado naman kasing malawak ang imagination ko.

"Hindi ah."

"O hindi naman pala eh. Kaya tumigil kana sa pagtatanong."

Sungit! Bakit ko nga ba iisiping sinundan ako netong ungas na 'to? Nababaliw nako.


Tumahimik nalang ako at baka saan na naman kami umabot ng hinayupak na 'to. Tahimik kaming naglakad at ng makarating kami sa labas ay sinalubong kami ng isang kumpol ng mga babae.


"Oh my God! Ang gwapo gwapo mo talaga Xander!"

"Oo nga! Ang swerte naman namen at dito ka lumipat sa school namen!"

"Single na si fafa kaya mapapansin nya tayo!"

"Kyaaaaaahhh!!!"

"Shit! Shut the fuck up!!" sigaw ko sakanilang lahat. Agad naman nila akong sinagot.


Pinipilit ko sa abot ng makakaya ko na wag ibalik ang dati kong ugali pero hindi ko talaga kaya. Di ko kayang kontrolin ang temper ko. Palagay ko ay mas lumalala ang temper ko sa mga higad na 'to, e! GRR!


Tumayo ako sa pagkakaupo sa sahig. Sa sobrang kalandian ng mga to ay tumilapon ako sa kabilik sulok ng daan.


"Laking pasasalamat nyo at hindi ako nasugatan dahil kung hindi babasagin ko isa isa yang mga pagmumukha ninyo." Wala paring naimik sakanila.


Subukan lang nila and they are all dead!


"Itigil nyo yang pagpapantasya nyo at wala kayong pag asa sa ungas na yan." Sabi ko sa mga mahaharot na babaeng to, saka ko tinignan si Xander. "At ikaw, kung alam mong pagkakaguluhan ka ng ganyan ay wag ka ng didikit sa'kin kahit kailan." Saka na ko naunang naglakad.


I'm pissed! Dammit! Yung idea na kahit wala syang ginagawa pero grabe na sila kung makatili ay sobrang nakapagpapa irita sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako umaarte ng ganito, e hindi naman ako girlfriend! Napipikon na talaga ako sa sarili. Ewan ko ba pero kusang tumigil sa paglakad ang mga paa ng marinig syang magsalita.


"Kapag ba umiwas ako sa lahat ng mga babae hahayaan mo kong mag stay sa tabi mo kahit kailan?" hindi ako lumingon. Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang isasagot. Yung paghinga ko hindi ko na mahabol sa sobrang bilis.


Damn Xander! Bakit nagwawala na ang sistema ko simpleng tanong mong yan?! Damn!


Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon