Chapter 26: Friends

2K 39 2
                                    

*Trixie's POV

Pasukan na naman. And as usual, late na naman ako. -__-


Kasi naman sobrang kinaka bahan ako kasi first timer ako at syempre walang kakilala . Pero mas mabuti na rin 'tong ganito. new environment. Para naman kahit papano eh makalimot na ko ng husto sa nakaraan. Ayaw ko naman kasi na bawat makasalubong kong tao eh kaaway ko. Gusto ko namang magkaron ng kaibigan bukod kay Reah.


Sa first three subjects ko as usual gaya nung high school, isa-isang nagpakilala. I am really trying my best na enjoyin lahat sa school pero sadyang hindi ko kaya. Old habits die hard nga naman. -_-


At ngayong break naman namen, as expected, isa akong loner. Nakakamiss din pala kapag wala si Re—

"Best!" natapon ko ang iniinom kong softdrink dahil sa pagkagulat sakanya.

"What the heck are doing here?!" singhal ko sakanya. Kasi naman! Dahil sa bunganga nya, nakuha nya lahat ng atensyon dito sa cafeteria!

"Aysus! Kunware ka pa dyan bestfriend! Alam ko namang na miss mo ko no!" hindi ko sya sinagot. I just rolled my eyeballs as my answer.


Tama naman kasi sya, namimiss ko na talaga sya.


"Why are you wearing that uniform?" tanong ko sakanya.

"Ah eto ba? Nabo-bobo ka na naman ba best? Malamang dito ako nag aaral kaya suot ko uniform ng school na to. Duh!" she rolled her eyeballs na para bang tangang tanga sya sa'kin pagkatapos non ay kinuha nya yung pagkain ko.

"Ano ba naman yan! Bumili ka ng iyo! Pinapagana mo na naman yang pagiging patay gutom mo!" singhal ko sakanya. Tinawanan lang nya ko. Hirap talagang kausap ng taong 'to. -__-

"Ano ba kasing meron bat lumipat ka ng school? Ayos naman dun ah. Atleast hindi mo na kailangan pang mag adjust." Sabi nya sa'kin. Wala na kong nagawa dahil tuluyan na nyang naubos yung pagkaing binili ko. Peste talaga! -__-

"Alam mo pwede ka namang bumalik don wag mo na kong tinatanong."

"Parang nagtatanong lang!" pagmamaktol nya sa'kin.

"Ilang beses mo na ba akong tinanong ah?"

"Nakaimutan ko na eh. Haha! Alalahanin ko nalang mamaya sige."

"Pinaglolo-loko mo ba ko ha, Reah?"

"Peace pooo."


=__=


Binabawi ko na yung sinabi kong namimiss ko sya! ilayo nyo nalang ulit sya please lang.


Pagkatapos painitin ni Reah ang ulo ko, parehas na kaming bumalik sa mga klase namen. B.A pala ang kinuha nyang course. Hindi ko daw sya ininform na TOURISM ang kukunin ko edi sana daw magkasama kame. Hindi daw nya kayang magkahiwalay kame kaya sya na mismo ang lumipat dito. Naalis nya 'yung init ng ulo ko dahil sa sinabi nyang 'yun.


Sakto lang yung pagbalik ko sa classroom, papasok palang din yung mga mates ko. Natuwa naman ako dahil sa wakas may katabi na ko. First time to para saken dahil nung high school ako wala ni isang makatabi sa'kin. Buti ngayon may naglakas loob. At lalake pa ah. Hindi ko lang makita yung mukha kasi nakasubsob yung mukha nya sa table. Tulog ata. Isang masipag na estudyante din 'to. At syempre, nakakatuwa 'yun dahil hindi ako nag iisa.

Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon