Chapter 47: Man in Black

1.6K 41 0
                                    

*Trixie's POV

Natapos namin ang first year na hindi kami naghihiwalay. Naka survive kami sa lahat ng mga mapanirang pilit kaming pinaghihiwalay. Tama ako ng taong pinakatiwaan ngayon. He kept his promise that he will only listen and believe me. He trusts me.

Lagi kaming tinutukso na maghiwalay naman daw kami minsan dahil baka daw magkapalit na kami ng mukha sa sobrang dikit namin sa isa't isa. Daig pa daw namin ang kambal o kaya naman ay nilagyan ng glue.


"Ganyan talaga kapag mahal mo, hindi mo gugustuhing humiwalay sakanya."

Yan ang lagi nyang sinasagot kaya naman lalong nagtitilian ang mga babae at classmates namin.

"DEL FIERRO! GRABE! HINDI KA NAMAN PATAY NA PATAY NYAN KAY TRIXIE NO?!" sabay tawanan ang mga classmates namin.

"GANITO KO KAMAHAL SI TRIXIE JAEIS MIN! KAYA KONG MAGPAKA CORNY. MAHAL NA MAHAL 'KO SYA!"


Yun na ang ata ang pinaka nakakahiya, pinaka nakakakilig at pinaka masayang moment ng buhay 'ko. Ipinagsigawan nya sa buong campus kung gaano nya kamahal. Hindi nya pinansin ang mga pang aasar sakanya.


Naging masaya ang mga araw namin. Hindi kami nag aaway. Hindi pwedeng hindi nya 'ko pakiligin ng bongga sa loob ng isang araw. Hindi sya nagkulang na ipaalala sa'kin kung gaano nya 'ko kamahal. Akala 'ko hindi na matatapos ang mga masasayang araw namin pero nagkamali ako.


Natapos ang lahat ng masasayang araw namin ng bumalik sya.


Ang taong kahit kailan ay hindi nya makakalimutan.. At mahal nya hanggang sa ngayon.


Si Charry Canlas.


Nagulat ako pero pinagpatuloy 'ko lang ang pakikipag harutan kay Yvo na para bang hindi 'ko sya nakikita. Nagulat ako ng bigla nya kong hilain pababa. Hindi 'ko alam kung ilang minuto kaming nasa tubig pero ang alam 'ko lang ay parang napiga ng husto ang lungs 'ko don.


"PUTANG INA MO, YVO! PAPATAYIN MO BA 'KO?!!!" sigaw 'ko ng makaangat na kami sa tubig. Tumawa lang sya ng tumawa.

"Oh my little cussing machine is back!" tuwang tuwa nya sabi. 

Natigil sa pagtawa ng tumikhim si Xander.

"O pare. Nandyan ka pala." napa irap naman ako sa kawalan.

Alam 'ko namang alam nya na nandyan sya. Sira ulo talaga. Pang asar e.

"Oo kanina pa. Umahon na nga kayo dyan." pasungit na sagot nya kay Yvo.

"O bakit naman? Mamaya na. Nag eenjoy pa kami ni Jes KO." natawa naman ako sa pagdiin nya sa Jes KO. Tumingin naman ako kay Xander na ngayon ay nakakuyom na ang ang kamao. 

Ano bang problema nito? Tsaka nakikita 'ko lang syang nagkakaganyan kapag nagseselos sya kapag may lumalapit na lalaki sa'kin noon.

Oh Trixie! As if namang nagseselos yan.

"Hon! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Napatingin kaming lahat kay Charry. "Oh hi guys! Ang sweet nyo naman! Sa pool pa talaga naglalambingan!" kilig na kilig nyang sabi. Ngumisi lang ako saka na umahon sa pool. Sumunod naman agad si Yvo. Kumuha sya ng towel at pinunas yun sa'kin.

Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon