Chapter 8: The truth

2.7K 70 3
                                    

*3rd Person POV

Kasalukuyang nasa ospital si Gian. Bugbog sarado at halos mapalayan na sobrang lakas ng pagkakahampas sakanya sa braso ng isang upuan sa bar, kung saan ay doon sya nag iisip kung ano ba ang ibig sabihin ni Reah.


"Pare ano ba talagang nangyare? Napuruhan ka ha? Sinong may gawa nyan?" tanong ng kaibigan nya na may ari ng bar.

"Hindi ko alam kung sino sya. Basta ang alam ko kakilala nya si Trixie." Sagot nya dito. Inalala nya ang nangyari noong gabing 'yun.


Hindi maalis sa isipan nya ang mga sinabi ni Reah. Gustuhin man nyang tanungin si Trixie ay alam nyang wala naman itong makukuhang sagot. Puno ng galit ang dalawang tao sakanya.

Nagpasya syang pumunta sa bar at iinom nalang lahat ng kanyang mga iniisip. Pero kahit na anong gawin nya ay hindi nya magawang isantabi ang sakit na rumihistro sa mukha ng babae ng sinabihan nya ito ng mga masasakit na salita. Dagdagan pa ng sinabi ni Reah patungkol sa aksidente nya dalawang taon na ang nakakaraan.

Maya maya lang, e may tumabi sakanya. sa tancha nya ay mga dalawang taon ang bata nito sakanya. Maya maya pa ay nagsalita na sya.

"Pare alam mo bang nakita at narinig ko ang ginawa mo kanina?" sabi nito sakanya. Nagtaka naman sya at napaisip kung ano ba ang tinutukoy nito.

"Ha? Anong sinasabi mo?" tanong nito sakanya.

"Kay Trixie. Yung ginawa mo sakanya kanina." Sagot nito at napangisi sya.

"O bakit? Isa ka din ba sa lalaki ng babeng 'yun? Pahiram mo muna ko pare. Ibabalik ko din sya agad kapag natikman ko na ang player ng bayan." Kitang kita nya ang galit sa mata nito ng sabihin nya yan sakanya. Nakita din nyang ikinuyom nito ang kanyang kamao pero hindi nya 'yun pinansin.

"Yan ang sagot na kikitil sa buhay mo." Sabi nito at pagtingin nya sa kausap ay suntok ang sumalubong sakanya. Nabigla sya kaya hindi nya makuhang manlaban. Sobrang lakas ng mga suntok na binibigay sakanya ramdam nya ang galit.

"Pasalamat ka at tinatablan pako ng awa. Dahil kung hindi tapos kana. Bubuhayin pa kita pero tandaan mo binabantayan ko bawat kilos mo." Pagkasabi nya non ay hinampas sya upuan dahilan ng pagkawala nya ng malay.



*Trixie's POV

*Riiiinnnggg!!*


Hello!? Best!? Nasaan ka!? Alam kong wala ka sa unit mo dahil kanina pako nandito!? Alalang alala nako sayo! Si Reah. Kanina pa 'to tawag ng tawag sa'kin.

"Best.. kailangan kong mapag isa.. Please.. Okay lang ako, don't worry.,"

Best ang lakas lakas ng ulan! Alam kong hindi ka okay. Please naman best. Sabihin mo sa'kin kung nasan ka susunduin kita!

"Nasa park lang ako.. uuwi din ako agad. Bye." Kagad ko ng pinatay ang tawag dahil sigurado akong hindi nya ko tatantanan hanggang sa malaman nya kung nasaan ba ko.


Hindi ko pa kayang umuwi. Gusto ko munang mapag isa. Kanina pa ko dito sa park at umiiyak. The good thing is umuulan . it means walang makakakita sa'kin na umiiyak. At yun ang gusto ko.


Naalala ko na naman kung papano ako i-judge ng hayop na Gian. Nanginig na naman ang katawan ko sa sobrang galit! Galit na galit ako! Lalo na sa sarili ko dahil pumayag akong alipustahin nalang ng hayop na gian! I hate myself for being coward and weak when it comes to Gian.

Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon