Chapter 1: The Player

5K 104 5
                                    

*Trixie's POV

#ThePlayer

"You bitch! Ang landi landi mo! Pati pa ba naman boyfriend ko!? Ganyan na ba kalala 'yang kalandian mo ha!!?"


Seriously!? Ano pang pinag sasabi netong babaeng to!? Letche! Ayan! Nawala ako sa konsentrasyon! Natalo tuloy ako sa flappy bird!

Naka 3 na ko don !!!!! >0<!!!


"Ano!? Nagbibingi bingihan ka ngayon!? Bakit!? Tinatablan ka na bang hiya sa katawan dahil sa kalandian mo ha!?"


And again, natalo na naman ako. Naka 2 lang tuloy ako! Anak ng teteng!! >0<!!!


"Are you done?"simpleng tanong ko sakanya at nginitian ng sobrang tamis. Yung dalawang babae sa side nya biglang nanginig dahil alam na nila ibig sabihin 'non.


*BLAG!*

Sinuntok ko sya ng ubos ng lakas. Ayba!? Ng dahil sa kadaldalan nya natalo ako sa flappy bird! Nyemas na babae! >0<!!


"At ikaw pa ngayon ang may ganang manakit ha?! Ikaw na nga 'tong nang agaw ng boyfriend!!"sigaw ng baliw.


Lahat ng tao tahimik na para bang nanonood sila ng action movie. Kulang na nga lang ay abutan ko sila ng popcorn para mas masaya. At ako? Poker face lang. Wala namang dahilan para matakot ako no.

-_____- ayan ang mukha ko. WALA AKONG PAKE!


"Parang awa mo na. Ibalik mo na sya sa'kin, oh. Hindi ko kayang mawala sya. Mamamatay ako. Mahal na mahal ko sya." lumuhod ang babae sa harapan ko na umiiyak habang sinasabi ang mga yan.


Natawa naman ako. MAHAL? Bakit ba gustong gusto ng mga babae ang magmukhang mababa ng dahil lang sa letcheng pagmamahal na 'yan?


"Wala akong inagaw. Nagpustahan lang kame ng friends ko na lapitan ang boyfriend. Gets mo? LAPITAN lang. Yan lang ang ginawa ko. Sya 'tong humabol ng humabol sa'kin hanggang sa mga panahon na 'to. Iritang irita na ko kung alam mo lang. -___- Wala akong inagaw. Kaya pwede ba? Wag kang mag iiskandalo ng dahil lang sa isang lalaki. Babae ka. Hindi ka dapat nagmamakaawang makuha sya ulit, dahil kung talagang mahal ka nya, in the first place hindi sya mawawala sayo. Hindi dapat sya magpapalandi kahit na maghubad pa kahit na sinong babae sa harapan nya. He will remain faithful and loyal to you IF HE REALLY LOVES YOU." sabi ko sabay kuha ng bag ko. Nakaluhod pa din ang tanga at iyak ng iyak.

Kaya bago ako makalabas ng pinto, "Stand up. Fix yourself. Don't make yourself stupid. Stop being so pathetic." Malamig na sabi ko sakanya habang pinipilit na lunukin ang napakalaking bara dito sa lalamunan ko.


Sa loob ng tatlong taon, ngayon nalang ulit ako nakakita ng babaeng katulad nya. Karamihan kasi sakanila ay nagyaya ng basagan ng mukha, sabunutan at ano ano pa mang kagagahan at kadesperadahan. Pero 'yung babaeng 'yun ay nagmakaawa sa'kin..


She reminds me of someone...


"So ano na naman ang nangyare eksena kanina sa classroom nyo? Balita ko may nakaaway ka na naman?" sabi ng chismosang si Reah. Na unfortunately ay bestfriend ko.

Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon