Chapter 33: I Will Court You

2K 43 3
                                    

*Trixie's POV

"May talent ka pala sa pagluluto bakit hindi ka nalang kumuha ng culinary?" tanong nya sa'kin habang nginunguya ang pagkaing sinubo ko sa kanya.

"Hindi ko naman hilig ang pagluluto. Actually, ikaw palang ang kauna-unahang taong pinagluto ko."

"Weh?"

"Oo nga. Madalang lang din akong magluto para sa sarili ko, madalas nagpapa deliver lang ako."

"O bakit mo ko pinagluto?"

"Hindi ko din alam." Sagot ko saka na sya sinubuan ulit sakto non ang pagbukas ng pinto.

"Wow. What a sweet scene.." I glared at her.

"Shut up, Reah." Tinawanan lang nya ko. "Malapit ng mapunit ang yang mukha mo sa ngiti mo. Anong nangyayari sa'yo?"

"I think it's because of Marky." Sabi ni Xander. 

Pagkatapos kong tumingin kay Xander ay bumaling naman ako kay Reah na gulat na gulat ngayon.


Marky? Marky Salvador? Anong meron?


"Marky? Meron ba kong hindi alam?" bumaling na naman ako sakanilang dalawa.

"Ah wala yun! Bagong kakilala." Sagot ni Reah ng hindi nakatingin sa'kin.


Hindi lang sya basta kakilala. I know there is something going on between them.


"Kung ano man ang meron sainyo ng ungas na yun ay mag ingat ka." banta sakanya ni Xander.


I think kailangan ko ng makilatis ang lalaking nakakuha ulit sa atensyon ng loka lokang Reah na 'to. Last time she fell in love, masyado na syang nasaktan kaya kailangan ko syang protektahan ngayon. Hindi ko sya dapat pabayaan magkamali ulit sa pagpili ng lalaki.


"I want to meet him." Prente kong sabi sakanya habang sya naman ay nakatingin lang sa sahig na ngayon ay biglang nag angat ng tingin sa'kin.

"Huh?"

"I want to meet him. As soon as possible." Tumango lang sya at bumalik sa sahig ang tingin. Kailangan ko talagang makilatis ang lalaking yan para habang maaga pa ay maiiwas na kita sakit. 

Sana nga lang ay makinig ka sa'kin kapag sinabi ko sa'yong layuan mo na sya.

"Subo."

"Para kang bata, Xanxan." Pang asar ko sakanya. Tinignan nya ako ng masama.

"What the heck is Xanxan?" singit bigla samin ni Reah.

"Don't call me in that name. Si Jaeis lang ang pwedeng tumawag sa'kin nyan." Maktol naman nitong Xander na to.

"Jaeis? What the! May endearment agad? Haha. Sige sige. Jaeis and Xanxan whatever." Tsaka sya tumawa habang nagpatuloy sa pagtetext. 

Anak ng! tinamaan ata talaga tong gagang to sa Marky na yun! Hindi ko nalang iyon pinansin at sinubuan na ulit si Xander.


Isang linggo na ang nakalipas. Balik eskwela na ko pero si Xander ay nagpapahinga pa. Pumapasok ako at ginagawan sya ng notes para naman makahabol sya sa oras na gumaling na sya. sa isang linggong iyon ay wala akong naging problema. Masaya at ang apat na magpipinsan at si Reah ay naging magkaibigan nadin. Nag join force na sila sa kabaliwan kaya kapag magkakasama kami ay parang masisiraan na ako ng bait sakanila.

Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon