Chapter 43: I'm Back

1.8K 37 0
                                    

*Trixie's POV

Makalipas ang limang taon..


Nakangiti akong lumabas sa airport na para bang walang nangyari. Limang taon na rin pala ang lumipas. Hindi 'ko aakalain na mamimiss 'ko rin pala ang lugar na 'to kahit napaka raming sakit ang nangyari sa'kin dito. Nawala ang ngiti 'ko, nanikip na naman ang dibdib.


"Don't be stupid, Trixie. He's just part of your past now." Bulong 'ko sa aking sarili saka na nagpara ng taxi.


Siguro nagtataka kayo kung bakit ganito ang naging kinalabasan ng kwento 'ko. Nagsisimula pa lang eh, nawakasan na agad. Ako din nagtataka eh. Bakit kailangan pang humantong sa ganito? Bakit kailangan pang mahulog ang loob 'ko sakanya kung sasaktan nya pa rin ako? Bakit kailangan pang bumalik ang babaeng una ng nyang minahal? Bakit kanailangan nya pang mamili? At higit sa lahat, bakit hindi ako ang kanyang pinili?


Iilan lang yan sa mga tanong 'ko na hanggang ngayon ay wala pang kasagutan. Limang taon na rin ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang sakit. Hanggang ngayon gabi gabi pa rin akong umiiyak. Hanggang ngayon mahal 'ko pa rin sya..


I'm so stupid right? Why are we always chasing the one that is running away? Why do we always love the person who can't love us back?


Huminga ako ng malalim tsaka na bumaba sa taxi. Umalis na 'ko sa dati kong tinitirhang unit. Nung gabing 'yon ay pinutol 'ko na lahat ng koneksyon at bagay na konektado at makakapagpapaalala sakanya gaya ng sinabi nya.


Nung gabing 'yon ay tumuloy na lang ako sa boarding house ng kapatid kong si Carlo. Hindi 'ko talaga alam kung paano ako nakarating na maayos doon. Ang alam 'ko lang ay iyak lang ako ng iyak na halos himatayin na. at nang makarating ako doon ay nagwala ang kapatid dahil iyak lang ako ng iyak. Nung gabing 'yon, nagpa book ako ng flight at hating gabi, lumipad ako patungong America.


"Hello? Yes, Ma. I'm back. What about dinner?" nakangiti kong sabi kay mama sa kabilang linya.


I really missed them so much. Pinutol 'ko ang connection 'ko sa lahat ng tao noong nasa America ako kaya naman kailangan kong bumawi sakanila ngayong bumalik na 'ko.


"Matataggihan 'ko ba 'yan? Syempre hindi! Humanda ka sa'kin kapag nagkaharap tayo! Limang taon mo kaming tinakasan!" singhal nya sa'kin. Tumawa lang ako.

"Sige, Ma. Gawin mo sa'kin lahat para lang maalis ang tampo mo. Tawagan mo na din si Carlo. Let's have dinner on our favorite resto." Then I hanged up.


Kahit na may jetlag pa 'ko ay inayos 'ko na agad ang gamit 'ko. Wala pa kong gaanong furniture, tama lang ang laki. Pang isa katao lang pero hindi naman gaanong masikip. Iniayos 'ko na ang mga gamit 'ko ng may biglang malaglag sa bulsa ng jacket 'ko.


Singsing na ginawa kong pendant. Our promise ring.


Nanikip na naman ang dibdib. Ang mga lalaki talaga, puro lang salita. Wala na ba talagang magpapatunay may isang salita ang isang tunay na lalaki? Promises are meant to be broken nga talaga. Nagpatuloy ako sa pag aayos ng gamit 'ko para makapaghanda na 'ko sa dinner namin ng pamilya 'ko.

Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon