Chapter 17: Mr. Denial

2.5K 60 4
                                    

*Trixie's POV

It's been one week and thank God, hindi na nya ko ginulo pagkatapos nung pagkikita naming iyon. Isang linggo na rin pala ang nakakaraan at hindi ko 'yun namalayan dahil ginawa ko talagang busy ang sarili ko para hindi mag isip ng kung ano ano.


Ginawa ko lahat ang mga requirements na hinihingi ng mga teachers ko para naman hindi ako lalong pagtsimisan ng mga estudyante dito. Lahat kasi sila nagtataka kung bakit gagraduate ako, e buong school year wala naman akong ibang ginawa kundi ang maglandi. Kung inaakala nyong naging good girl na ako pwes nagkakamali sila, ginagawa ko lang ito dahil kailangan kong maka graduate, kapag naka graduate na ako humanda silang lahat sa'kin.


Ginagawa kong ito lahat para kay Mama. Hinding hindi ko makakalimutan ang pag uusap naming iyon ni mama..


Umuwi akong luhaan pagkatapos ng pag uusap naming iyon ni Gian. Ayaw kong magmukha mahina sa harapan nya kaso hindi ko na napigilan ang damdamin ko. Hindi pa rin ako nakakamove on. Yan ang nasisigurado ko sa pagkikita naming iyon.. Pakiramdam ko lahat ng sakit na tinatago ko ng mahabang panahon ay lahat nagsilabasan nung nagkaharap kami. Lalo nanikip 'yung dibdib the moment he said that he was sorry. Hindi ko iyon matanggap. Ang dali lang para sabihin ang sorry pero hindi nun matatanggal lahat ng sakit na dinanas ko. Hindi ko sya mapapatawad.


Nanghihina pa rin ako hanggang ngayon. Hindi na ko nag abalang magpunas ng sarili dahil wala naman na kong kasama dito.Uumalis na sina Mama kanina. Gustong gusto ko syang tawagan kanya ngalang, nahihiya ako.


I badly need someone to talk to now.


"O anak nandito kana--- what happened?! Why are you crying?!" nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko inaasahang nandito pa rin sya

"Ma.. why are still here?" pinunasan ko ang luha ko at muli sinuot ko na naman ang mascara ko na nagtatago sa sakit na nararamdaman ko. Ayokong nagpapakita ng kahinaan sa mga taong nasa paligid ko, ayaw kong nadadamay ang mga taong mahal ko sa mga problema ko. "O ano ma? Kumain ka na ba? Dapat sinabi mo para nakabili ako ng pagkain sa labas, paalala nyo nga hong maggogrocery ako bukas." Pilit kong ginagawang normal ang pananalita ko, tinignan ko naman si mama dahil hindi to nagsalita.

"O ma bakit?" dahan dahan syang lumapit sa'kin.

"Akala ko ba okay na tayo?" e?

"Ho? Okay naman na po tayo eh."

"E bakit naglilihim ka pa din sa'kin?" papano nya nalaman? Isa akong taong mahirap mabasa.

"Wala naman po akong prob-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla nya kong niyakap. Ito 'yung kailangan ko e. Isang mainit na yakap mula sa isang taong nakakaintindi at nagmamahal sa'yo.

"Baka nakakalimutan mo kung sinong kausap mo ngayon. Mama mo ko Trixie, isang tingin ko lang sa'yo alam ko na kung may problema ka. Alam kung kapag nasasaktan kana. Tanggalin mo yang mascara mo dahil hindi ka makakapagtago sa'kin." Dahil sa sinabi nyang 'yun ay tuluyan ng bumuhos 'yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Niyakap ko sya ng mahigpit at iniyak lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Ma, ang sakit sakit." Paulit ulit kong sabi. Panay himas sya sa likod, nanatili syang tahimik at nakikinig sa lahat ng aking mga hinanakit.

Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon