Chapter 36: Couple Infinity Watch-Bracelet

2K 34 2
                                    

*Trixie's POV

"Ako lang ang susunod sa'yo. Lagi akong susunod sa'yo Jaeis, kahit na ipagtabuyan moko, susunod pa rin ako sa'yo. Hindi kita titigilan kahit na mapagod ako sa kakasunod sa'yo, pipilit ko parin, hindi ako titigil Jaeis. Hindi ako titigil." 

Nanatili akong parang tangang nakatunganga sakanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin o kung ano ang irereact sa sinabi nya.

"O ano na? Natameme ka dyan?"

"Anong sinabi mo?"

"Ang sabi ko bakit ka natameme dyan."

"Hindi yon. Yung isang."

"Walang ulitan sa bingi, halika na gutom na ko. Sayang oras oh." Pagkatapos non ay hinila na naman nya ko papunta sa sasakyan nya.


Hanggang sa loob ng kotse nya ay nagwawala parin ang buong sistema ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa manly scent ng kotse o dahil sa katabi ko sya ngayon na kahit naka school uniform ay hot parin nyang tignan, hindi ko alam kung sinadya nya bang ipasikip yung manggas ng damit para magmukhang namumutok na sa laki ang muscles nya, o sadyang malaki talaga ito kaya kulang nalang ay mapunit na ang manggas ng uniform nya, na kahit anong gawin nya ay sobrang gwapo at hot nya sa paningin ko o dahil sa sinabi nya kanina na syang nakapagpatameme sa akin.


"Ako lang ang susunod sa'yo. Lagi akong susunod sa'yo Jaeis, kahit na ipagtabuyan moko, susunod pa rin ako sa'yo. Hindi kita titigilan kahit na mapagod ako sa kakasunod sa'yo, pipilit ko parin, hindi ako titigil Jaeis. Hindi ako titigil."


Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isip ko kung ano bang ibig nyang sabihin sa sinabi nyang iyon. Hindi sya titigil sa akin? Pero bakit? Bakit gusto nya kong habulin? Ano pa ba ang posibleng rason para habulin nya ko? Dahil ba yon sa minsan na syang napunta sa bingid ng kamatayan ng dahil sa'kin? O dahil ba gusto nya ko kaya kahit anong mangyare ay gagawin nya ang lahat para sa'kin?


Ay hindi! Hindi! Ano ka ba naman Trixie?! Saan naman nanggaling yung 'gusto ka nya?', maghunos dili ka!


"HOY!"

"AY BAKLANG LETCHUGAS! WHAT THE?! BAKIT KA BA NANGGUGULAT!!?"

"Kanina pa 'ko tawag ng tawag sa'yo pero lumilipad ata sa kalawakan yang kaisipan mo. Tsaka may bakla bang letchugas? What is letchugas by the way?" nakataas na ang kilay nya.

"Ay ewan ko sa'yo! Kaasar ka!" sabi ko sabay walk out.


Dinala nya ko sa isang mall ilang kilometro lang ang layo mula sa school namin. Tinignan ko ang relos ko, may isa't kalahati pa kaming free time, pagkatapos non' ay kailangan nanaming bumalik sa school, may dalawa pa kaming subjects at pagkatapos non' ay uwian na.


Friday ngayon kaya naman ang daming tao sa mall, halos lahat ng fast food chains na madaanan namin ay punuan, karamihan ay studyante ang kumakain doon, lihim akong nagdasal na sana sa pizza stores ay hindi punuan gaya ng mga ito. Greenwich o pizzahut ay pwede na sa'kin, kagabi pa kasi ako nagke-crave ng pizza, hindi lang ako makabili dahil wala namang malapit na nagtitinda ng pizza samin.


"Saan mo gustong kumain?"

"Sa Greenwich o kaya sa pizza hut, kung saan tayo magkakasya." Tumango sya at nagpatuloy parin sa paglakad habang may matamis na ngiti sa kanya labi. 

Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon