Chapter 20: Graduation

2.2K 48 1
                                    

*Trixie's POV

Alam kong hanggang ngayon nakamasid pa rin sa'kin si Xander. Ewan ko ba dito sa lalaking 'to, simula nung araw na dinedma ko sya lagi ko nalang syang nahuhuling nakakatitig sa'kin. Sa totoo lang ay naiilang na ako pero hindi ko nalang pinapahalata. Maling umakto sya ng ganito dahil lang sa hindi ko sya pinapansin dahil hindi naman kami magjowa na nagkatampuhan para magkanon sya, pero may mali din sa'kin eh. May iba at hindi ko 'yun gusto!


Nakita kong nilapit sya ni Reah, alam ko ng sulsol lang ang sasabihin nun dahil nakita kong nag walk out si Xander at narinig nagmura si Reah. Malamang wala 'yung pakialam kaya nag walk out, nag aksaya ka lang ng laway Reah.


Just by thinking na wala syang pakialam, sumama lalo ang pakiramdam ko kaya nagpasya akong umuwi nalang. Wala akong ganang umattend ng practice na nakakatamad.


"Trixie.." boses na nakapagpahinto sa'kin. Gusto kong pumasok na ng unit ko pero may pumipigil sa'kin.. Kailangan ko na syang harapin hindi habang buhay tatakbuhan ko sya.

"Gian.." unti unti syang lumapit sa'kin. Mugtong mugto ang mga mata nya, mukhang kakagaling lang nya sa pag iyak. "Anong nangyare sa'yo?"

"Trixie, alam ko na ang lahat." Kinabahan ako sa sinabi nya, kinakatakot ko talagang malaman nya 'yung totoo.

"Anong ibig mong sabihin?" pilit kong tinatago lahat ng emosyon ko pero sadyang wala pa rin iyong epekto dahil kusa iyong lumalabas.

"Alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin, Trixie.." dahan dahan sya lumapit at nang magkalapit na kami ay hinawakan nya ko sa magkabilang braso. At ikinabigla ko ng bigla na lang syang umiyak sa harapan ko at nagpadausdos pababa at lumuhod sa akin atsaka mas lalong umiyak.

"Patawarin mo ko Trixie, all this time sa'yo ko ibinubunton ang sisi sa paghihiwalay naten where in fact, ako punot dulo ng lahat. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit nasa bar ka ng gabing iyon. Hanggang sa huli Trixie mas inisip mo pa rin ang kalagayan ko kahit sobra kanang nasasaktan. Patawarin mo ko sa mga masasakit na mga sinabi ko. Patawarin mo ko sa pananakit sa'yo noon. Patawarin mo ko dahil sa'kin kaya naging ganyan. Trixie patawarin mo ko.. Patawarin mo ko.." habang sinasambit nya ang bawat salita ay parang pinipiga ang puso ko. damang dama ko 'yung sincerity sa mga sinabi nya at kitang kita ko din sa mga mata nya na sising sisi na sya sa mga nagawa nya. tinayo ko sya sa pagkakaluhod at hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi.


Wala pa rin syang pinagbago. Parang bata pa rin hanggang ngayon.


"Naibigay mo na 'yung panahong kinailangan ko para makalimot, Gian, sapat na 'yung panahong binigay mo sa'kin para mapatawad ka." nakita kong umaliwalas ang mukha nya sakanyang narinig. Pero makikita pa rin sa mga mata nya na hindi makapaniwala at pag aalinlangan.

"Sapat na ba 'yung mga sinabi ko para mapatawad mo ko? Masyadong masakit 'yung ginawa ko sa'yo nalagay pa sa alanganin ang buhay mo ng dahil sa'kin. Sapat na ba 'yun Trixie para pagbayaran lahat ng kasalanan ko sa'yo?"

"Sapat na 'yun.. Ako lang naman itong nagtanim ng galit. At naging ganito ako dahil ginusto ko, sa kagustuhan kong maghiganti sa mga lalaki, pinaglaruan ko sila dahil pakiramdam ko anytime na nakakasakit ako sumasaya ako, pero bandang huli lalo lang pala nakasira sa'kin 'yung ginawa ko. Kung sanang tinanggap ko ng maluwag sa dibdib 'yung paghihiwalay natin wala na sanang ibang tao pang nadamay. Kaya sapat na 'yung humingi ka na ng sorry para mapatawad ka." ngumiti sya.

"O bakit kangiti mo dyan?"

"Pakiramdam ko bumalik na 'yung dating Trixie na kilala ko. Welcome back Trixie." And to my surprise niyakap nya ko. Yakap na namiss ko. Unti unti hindi ko namalayan na yumayakap na rin pala ako sakanya.

"Nasagot na rin 'yung tanong ko." sabi ko sakanya. Bumitaw sya sa yakap at hinarap ako.

"Anong tanong mo?"

"Tinanong ko kasi noon kung bakit kailangan pa nating magkita ulit.."

"Bakit nga ba?"

"Para magkaron tayo ng closure.. Para pareho na tayong maging malaya sa sakit at galit sa nakaraan.. Para makapag move forward.. Para kung magkasalubong man tayo ulit kaya na nating magngitian sa isa't isa."

"Tama ka. Closure."


Mabilis na lumipas ang magdamag at eto na graduation ko na. Kaya eto hindi magkanda uga uga si Mama sa pag aayos sa'kin. Hindi ko naman na kailangan neto eh. Hello?! Ang ganda ko na kaya. Pero mapilit pa rin kaya inayusan pa rin nya ko ng bongga kahit na labag sa loob ko. Dapat daw agaw eksena ako pagpasok ko ng school. Eh kahit naman hindi ako full make up ay agaw pansin ako lagi sa school. Nagpapagod lang tuloy sya.


"Anak may iba ngayon sa'yo." Puna nya sa akin. Tinignan ko sya sa salamin at mayroong mapang asar na ngiti sa labi. Tinaasan ko sya ng kilay. "Wag mong pagtataasan ng kilay ang Mama mo. Talaga naman eh. May iba sa'yo. Parang.." hinawakan nya ang mukha na parang sinusuri kung ano ba ang bago. "Parang maaliwas ka. Blooming. May boyfriend na ba ang dalaga ko?" natawa ako sa sinabi nya.

"Ma, Ano ka ba naman wala akong boyfriend no."

"Hindi nga?"

"OO nga po. Gusto ko kung may ipapakilala man ako sainyo 'yun ng 'yung taong makakatuluyan ko at makakasama ko habang buhay tsaka gusto ko 'yung sya mismo magpapakilala sa sarili nya."

"Aabangan ko na 'yung lalaking magpapakilala sa'kin." Sabi nya at saka kami nagtawanan.

Pagdating ko sa school nagsimula na naman ang mga bulong bulungan, kesyo bakit daw ako nandito eh hindi naman daw ako deserving, papansin daw ako at kung anu-ano pa. O diba? Agaw pansin ako kahit wala akong ginagawa? Hindi na rin ako apektado, hindi din ako nakakaramdam ng inis o ano pa man kasi para saan pa diba? Magpapaapekto ako tapos papatulan ko sila tapos ano? Magbabago ba ang sasabihin o iniisip nila sa'kin? Hindi naman diba? Kaya hindi ko nalang aaksayahin ang oras ko sakanila. At hindi dahil hindi ako pumapatol hindi ibig sabihin nun nawala na ang Trixie na nakilala ng lahat, nandito pa rin sya at lalabas lang sya kapag kailangan na ng pagkakataon.


I already learned my lesson, revenge will not change anything but forgiveness and acceptance does.


Nagsimula na ang ceremony, naglakad na lahat ng mga students paakyat ng stage at kinuha ang kani-kanilang toga. At ng tawagin ang pangalan ko..


"O my god anak ko yan!" sigaw ni Mama.

"Bestfriend ko yan!" sigaw din ni Reah. Ang baliw talaga ng dalawang to. haha pakiramdam ko naiiyak ako. Kasi naman tong dalawang to eh. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag alam mong nagiging proud sa'yo 'yung mga taong nakapaligid sa'yo lalo na 'yung mga mahal mo. Nang natapos na ceremony sabay sabay naghagis ng toga sa ere ang mga estudyante at nagyakapan ang mga magkakaibigan habang umiiyak. Ang OA naman ng mga to kala mo hindi sila magkikita pagkatapos nito. At dahil wala naman akong kaibigan, pumunta nalang ako kina Mama. Pero habang papalapit ako, unti unting namuo 'yung luha ko.. ang gaan ng pakiramdam habang papalapit ako sakanya na sya ngayon ay abot tenga ang ngiti, alam na alam mong masayang Masaya sya.

"I'm so proud of you anak.." sabi nya sa akin, hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya niyakap ko sya, ng sobrang higpit at tuluyan na akong naiyak. Ang sarap talaga sa pakiramdam.

"O tama na yang drama best haha." Sabi ng bigla bigla nalang sumulpot na si Reah.

"Panira ka ng momenta, Reah!" sagot naman ni Mama. Haay hindi pwedeng magsama 'tong dalawang 'to. sasakit ang ulo ko panigurado.

"E kasi naman tita kailangan pa naming mag prepare ni Reah para mamaya sa graduation ball."


Mananalo kaya ako kung tututol ako sa makukulit na babaeng 'to?



Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon