Chapter 22: Unexpected

2.4K 56 0
                                    

*Trixie's POV

Aigoo! Feeling ko chinachop chop yung ulo ko!! T_T


Bakit ba inimbento pa yung alak? Para makalimot ka pansamantala? Pagkatapos ano? Papatayin ka naman sa sakit kinabukasan? Ang labo ng utak nya! Argh!


Hindi ko na matandaan kung anong nangyari kagabi. Ang alam ko lang wala akong ibang ginawa kung hindi uminom ng uminom. Kaya nga nagkakaganito ako ngayon eh. Ipaalala nyo po saking wag ng uminom ha? Ipaalala nyo!! T_T


Nakakagutom~T_T


Hindi na naman pala ako nakakain kahapon ng dahil dyan sa pauso nilang ball na 'yan. Wala naman akong napala doon. Ay meron pala. Itong nakakamatay na hang over shemaayy! >_< Dahil gutom na gutom na talaga ako kahit parang binibiyak 'yung ulo ko ngayon, pinilit ko pa ring tumayo. Hindi ko kayang tiisin 'yung tyan ko. Alam nyo ko.


"Aigoo! Kung minamalas ka nga naman ngayon pa nawalan ng stock tong ref ko!?" pabagsak kong sinara ang ref. Napaka walang kwenta! Sobrang sakit na ng pakiramdam ko obligado pa kong lumabas para bumili ng makakain. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Baka kasi pagkamalan akong na rape ng hapon kapag may makakita itsura ko. ~~. Habang hinihintay kong bumakas ang elevator nagring ang phone ko. Si Reah natawag. Ano nanaman kayang kailangan nito?

"He—" hindi pa ko nakakapag hello. Bastos na babae. -__-

"BEST!! Wag kang lalabas dyan sa unit mo!" sigaw nya.


Dammit! My poor beautiful ears! >.<!!


"At bakit?! Wag ka nga sumigaw nyeta! Hindi ako bingi!" singhal ko sakanya. Nyeta pakiramdam ko lalabas lahat ng tutule ko sa tenga e.

"Ay? Haha o sorry poo." Baliw. =__= "Pero seryoso ako best wag kang lalabas!"

"Bakit nga kasi?!"

"Hinahanap ka ng mga reporters kagabi pa. actually paakyat na sila dyan NGAYON!!"


NGAYON?


Anak ng tokwa!!


15


16


Shit! Malapit na sila! Hindi ko nanaman maalala yung passcode ko!!


Please Lord! Help me!


Mahal talaga ako ni Lord. Agad bumukas ang pinto ni Xander.


"Why?" hindi ko sya sinagot. "W-wait!" Dire-diretso lang ako tsaka sya hinila papasok.

"What do you think you're doing?" -__-

"Ahm kasi hinahanap ako nung mga tao sa labas eh."

"Eh ano ngayon?" -__-

"Pwede bang makituloy muna ko dito habang hindi pa sila umaalis?"

Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon