Chapter 32: Jaies & Xanxan

1.8K 46 0
                                    

*Trixie's POV

Isang linggo na ang nakakaraan simula ng makalabas ako sa ospital. Buong linggo ay nasa bahay lang ako dahil ang dalawang OA na babae sa buhay ko, kailangan ko pa daw magpahinga. Dinadalaw nalang ako nina Gian at nung apat sa bahay ko.


Simula ng makalabas ako ay lagi pa rin akong pumunta sa ospital para alagaan sya. Salamat naman sa Diyos dahil ng makalabas ako ay, nabalitaan kong nagising na sya. Kinabukasan ng araw na yun ay sumugod ako agad sa ospital.


Nasa ospital pa din sya pero nagpapahinga nalang. Balita ko baka sa makalawa ay pwede na syang makalabas. Kaya gaya ng nakagawian ko na ay pupunta ulit ako sa ospital para alagaan.


"Hindi ko alam best na marunong ka palang magluto." Ngisi nya sa'kin na may halong pang aasar.

"Anong akala mo sa akin walang alam?" she rolls her eyes on me.

"Pwede ba, Trixie, hanggang kailan mo pa ipagkakaila yan sa sarili mo?"

"Ang alin?"

"Yang nararamdaman mo."

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo Reah."

"Wag tayong maglokohan dito. Kitang kita sa mga mata ni Xander yung nararamdaman nya para sa'yo nung araw na puntahan natin sya ospital. Alam kong nakita mo yun. Wag kang magbulag bulagan." Sabi nya saka na ako tinalikuran. Natahimik ako dahil alam kong tama sya..


Nakita ko yun.. Pero parang napaka imposible naman atang mangyari nun.


"O anak matulog kana ha? Wag ng matigas ang ulo." Bilin sa'kin ni mama. Minsan talaga sobrang paranoid din nito. As if namang magagawa kong makatakas sa tindi ng pagbabantay nilang dalawa ni Reah. Psh!

"Oo nga. At wag mong tatangkaing tumakas para puntahan ang prinsipe mo, dahil ako na ang nagsasabi sa'yo, hindi ka makakalabas ng bahay." Sabi ni Reah na ngayon ay nakangisi sa akin.

"Reah?"

"Yes best?"

"Kailan ka lalayas sa pamamahay ko?"

"Never best. Kaya matulog. I love you." Saka nya ko hinalikan sa pisngi. Ganun din si mama. Kaasar!

Nakahiga na ako sa kama pero yung utak ko nasa ospital pa rin. Hanggang ngayon nag aalala parin ako. kung sanang pinayagan lang ako nina mama at Reah na mag stay doon para alagaan si Xander sana panatag ang loob ko ngayon. Para kung sakaling magising na sya ay makita nya ako sa tabi nya. Hindi yung malayo ako sakanya. Ang daming negative thoughts ang pumapasok sa isip gaya nalang papano kung hindi na sya magising? O may iba pang mangyari na makakapagpatagal ng recovery nya? Sa sobra kong pag iisip ay pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait. Tamad kong kinuha ang cell phone ko ng marinig ko itong nag vibrate.


From +63905*******

Iha, gising na si Xander. Stop worrying about him. You can visit him anytime you want.

-Mr. Del Fierro


Shit! Agad akong bumalikwas sa kama ng nabasa ang text ng papa nya. agad akong pumunta sa labas at gaya ng inaasahan ko nandito pa sina mama at Reah.

Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon