Chapter 40: His Text Messages

1.6K 41 2
                                    

*Trixie's POV

"Pinapagselos kita damn it! Bakit hindi mo 'yun makita?! Pinagseselos kita pero bakit mas nagseselos ako kapag nakikita 'ko kayong magsama ng lalaki 'yun?! Hindi mo ba nakikita? Gusto kita! Mahal na kita!"

"MAHAL NA KITA! MAHAL KITA KAYA AKO NAGKAKAGANITO!"

"Bakit ba ang dami mong tanong?! Hindi pa ba sapat na sagot 'yung kaya kong isugal ang buhay 'ko para sa'yo?!"



"Babe, okay ka lang?" 

That's what made me back to planet earth. Tumingin ako sakanya at sumalubong sa'kin ang mata nyang malungkot.

"Ah oo, okay lang ako." sagot 'ko saka nag iwas ng tingin.

"Kanina pa kasi kita kinakausap pero parang lutang ka. Dahil ba yan sakanya?"

"Huh?"

"Nevermind." Hinawakan nya ang kamay atsaka ito hinalikan tsaka mabilis na bumama para makapag practice.


Dumami ang mga estudyanteng nanonood dahil sa practice na 'yun. Maganda ang laban pero wala doon ang atensyon 'ko, nandoon kay Xander, kasama nyang nag walk out. Peste sya! Tama ba namang mag confess tapos bigla nalang mag iiwan? Kung hindi ba naman talaga sira ang tuktok ng isang 'yon! Ih! Nakakainis talaga!

Mas pinili 'ko nalang na mag focus sa laban ni Gian. Labang ang kopunan nila pero ang daming nadidismaya kapag pinapasa nya sa iba ang bola.


"Ano bang nangyayare bakit hindi nya sinu-shoot ang bola?"

"ALVES SHOOT THE BALL! DAMN IT!"

"SHOOT! SHOOT! SHOOT!"


Nag ingay lahat ng mga estudyante sa Gym, gusto nilang makitang mag shoot ang isang Alves. Ako man ay gusto 'ko ulit syang makitang mag shoot, last time I saw him was we're still on high school days. Noon pa man ay passion na talaga nya ang basketball. Simula bata palang ay inilalaban na sya ng mga parents at sa lahat ng labang sinalihan nya ay wala syang ipinatalo. Kaya naman pagpasok mo palang sa bahay nila ay sasalubong na sa'yo ang sandamukal nyang medals at trophies hanggang sa kwarto nya.


Napangiti ako dahil ganitong ganito kami noon. Nagkikipaglaban sya habang ako naman ay nanonood at halos magkanda paos paos sa pag cheer sakanya. Simula ng maging kami ay lagi 'ko syang sinusuportahan sa mga laban nya. Lagi akong nandoon para abutan sya ng tubig o kaya naman punasan ng pawis.


"Isigaw mo lang ang pangalan 'ko at sinisigurado 'ko sa'yong ipapanalo 'ko ang laban ano man ang mangyare." Yan ang sinabi nya sa'kin noong mga panahong nanliligaw palang sya sa'kin.


Tama! Tumayo ako at huminga ng malalim.


"ALVES! GIAN ALVES SHOOT THE BALL!" natahimik ang lahat sa loob ng Gym, maging ang mga players ay natigilan. 

Si Gian naman ay natulala sa'kin na para bang napaka imposibleng mangyareng nakatayo ako ngayon dito at isinigaw ang pangalan nya.

"REMEMBER YOUR PROMISE? DO IT NOW! PROVE IT TO ME! SHOOT THAT FUCKING BALL!" doon lang sya natauhan at agad agad syang tumakbo at agad na naagaw ang bola sa kalaban at dire-diretsong ishinoot iyon sa ring, at dahil doon ay napuno ulit ng hiyawan ang buong gym.

Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon