Sinadya nilang ipwesto sa gilid lahat ng mga mesa at upuan dahil nilagyan nila ng mini stage ang gitna niyon. Ang iba ay busy sa paghanda ng mga pagkain roon sa malaking kusina.

Kahit hindi nakakatanggap ng sagot si Jaiza ay panay pa rin ang pagdaldal nito, lalo na noong dumating sa pwesto namin sina Hope at Lalaine. Silang tatlo lang ang nag-uusap ng mga bagay na hindi ko maintindihan.

Nagsimulang tumugtog ang bandang "The Fyndelles". Matapos iyon kung kani-kanino na nila pinagpapasahan ang mga mikropono. Mayroong kumakanta at mayroon ring nagsasalita lang ng mga nonsense na bagay.

"Kent! Alam mo bang para kang eto?!" Sigaw ni Rose at itinaas ang hawak na bread knife. Diretso itong nakatingin kay Kent na kasalukuyang natigil sa pag-inom ng juice.

"Kasi bukod sa mapanakit ka, ketselyou!" Dagdag nito dahilan para mabuga ni Kent ang juice na nasa bibig. Napatakip kami ng tenga dahil sa lakas ng tawa ni Rose na tinapat pa sa mic.

"Hahahahaha! Di niyo nagets?! Kutsilyo, it's still you! Nyeta niyo naman eh!" Huli na nang takpan nila ang bibig ni Rose.

"Hoy Yvette!" Napatalon ako sa malakas na boses ni Daniel na may hawak na rin pa lang mic. Maging sa binanggit niyang pangalan ay nagulat ako dahil wala naman iyon dito. "Para kang dumi sa toilet! Ang sarap mong iflush nang paulit-ulit hanggang mawala!"

Nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Hindi ito ang Daniel na kilala namin.

"Mahirap yan bro lalo na kung tabo lang gamit mo!" Sagot ni Ciyoh na agad binatukan ni Christine. Baka kung saan pa umabot ang usapang 'yon.

Inagaw ni Nathalie ang mic kay Rose. "Hoy Josh!" Sigaw nito kahit wala naman roon si Josh. "Para kang cupcake!" Ilang segundo siyang natahimik at inabangan namin ang dagdag niya. "Puro ka salita kulang ka sa gawa!" Aniya na ikinasigaw ng iba.

"Liyah para kang barbeque!" Sigaw ni Kirby na ikinagulat ni Liyah dahil magkatabi lang sila. "You can't get out of my mind!"

"Sarah para kang ice cream! Ang cute mo!" Saad din ni Redge.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napailing dahil sa mga pinagsasabi nila. Ngunit kahit ganoon ay nakakatuwa ring suportado nilang isa't-isa kahit sa mga pinakawalang kwentang bagay.

Patuloy nilang pinagpapasa-pasahan ang mikropono nang tumayo ako.

"Alam mo ba Christine, mukha kang asin!" Sambit ni Ciyoh na sinadyang lumayo pa kay Christine. "Di mo alam ang salitang sweet, pero sa luto espesyal kang ingredient!" Ang tono nito'y parang nagfi-fliptop.

"Sige ipush mo pa!" Pang-aasar ni Redge. Magsasalita pa sana ito nang agawin ko sa kanya ang mic at humakbang ako papalapit sa mini stage.

"Alam mo ba Harrison! Para kang lechon!" Lahat sila'y gulat na napatingin sa akin. "Ang sarap mo sa una pero nakakaumay kapag tumagal na!"

Katahimikan.

Ilang segundo silang natahimik sa sinabi ko. Nagtinginan. At sabay-sabay na nagsigawan.

"Para kang salamin, napakasinungaling mo! Para kang marshmallow, hanggang salita ka lang! Para kang sinangag, napakaduwag mo! Para kang sintas, nakakabwiset ka!" Patuloy na sigaw ko, hindi alam ang sinasabi. Pero nag-eenjoy ako lalo na't sinasabayan nila ako. Kahit dito man lang, mailabas ko lahat ng saloobin ko.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now