Chapter 7

14 2 1
                                    

Pagdating ko ng classroom ay sobrang tahimik lang ng lahat. Marahil ay nakapansin na rin ang iba sa hindi pagpansin ni Rose kina Nathalie, Clyne, at Lalaine. Bukod pa roon ay kapansin pansin ang bakanteng upuan sa harapan kung saan nakaupo si Terry. I checked my watch and noticed that it's almost time. Napaka unusual na may malate sa mga kaklase ko and napakatahimik nila. Nasanay kasi ako na sa tuwing dumadating dito lahat ay nagtatawanan, nagkakantahan, naglalaro at nagsisigawan.

Anyways, Why do I feel like this? I should be happy na napakatahimik at peaceful na nila right? Bakit pati ako ay parang nakikisimpatya rin sa kanila?

Napansin ko rin na fini-feel na ni Harrison ang upuan ni Sammy. Ganoon din si Sammy sa upuan ni Harrison. Nang mapansin ako ni Harrison ay napangisi siya at kinindatan pa ako. Tusukin ko yan eh. Inirapan ko naman siya. Nang makaupo ako ay humarap siya sa akin at nagsimula na namang mangulit.

"Psst!"  Di ko siya pinansin at kinuha ko na lang ang notes ko. Wala naman dapat akong studyhan o icheck sa notes ko. Ayoko lang talagang makipag usap kay Harrison.

"Psst.. Lhou!" Nagkunwari akong nagbabasa.

Palihim akong napatingin sa kanya nang tumahimik na siya at nakita kong may isinusulat siya sa papel. Mabilis ko namang ibinalik ang tingin ko sa notebook ko nang tumingin siya sa akin. Inilagay niya sa desk ko iyong papel na sinulatan niya kanina. Mabilis ko itong binasa--teka ba't ko binasa.

"Good Morning kahit di maganda ang morning nila :) "  sulat niya na binasa ko naman.

"Ayiee ganito pala gusto mo ha." mahina niyang bulong, pagtingin ko sa kanya ay may nakakalokong ngiti na sa mukha niya. Mabilis siya ulit nagsulat sa isang pirasong papel at inipit sa notebook na kunwaring binabasa ko. Wala na sana akong balak tingnan ito ng may sinabi siyang nakapagpatigil sa akin.

"Tungkol kay Terry yan." Napalingon ako nang marinig ko sa kanya iyon.

"Anong tungkol sa kanya?" Di ko mapigilang maitanong.

"Nakita ko siya kanina sa labas ng school malapit sa waiting shed, nakauniform. Kaya nga nagtataka ako kung ba't wala pa rin siya dito hanggang ngayon eh, maaga pa kasi nung nakita ko siya." Mahina niyang bulong.

"Pero alam mo anong mas nakakapagtaka? Mugto yung mga mata niya at parang di siya mapakali." Napatigil ako. Naalala ko iyong ama niyang nasa hospital dahil sa lung cancer. Napatingin kami sa harapan ng dumating na si Maam Sharlene. Oras na ng klase, pero di ko mapigilan ang sarili ko't nababagabag ako. Mabilis akong napatayo at napansin kong napatingin sa akin ang lahat, maging si maam. Nagulat rin ang katabi ko.

"Anything wrong Miss Wilson?" Tanong ni maam sa akin.

"Ah, excuse me po maam." May itatanong pa sana si maam pero mabilis na akong tumakbo palabas ng classroom. Tumakbo ako papuntang gate, papalabas na sana ako ng harangin ako ng guard.

"Saan ka papunta ineng? Oras na ng klase ah." Saglit akong napatigil dahil di ko alam anong idadahilan ko. Bigla bigla na lang kasi akong kumilos ng walang plano.

"Ahhh, k-kasi po..." napakamot batok ako at napalunok. Maya maya pa'y nagulat ako nang may biglang umakbay sa akin, lalo na nung narinig ko ang nakakabwiset na boses na iyon.

"Ikaw talaga Lhou di ka makapaghintay, bukas na iyong clinic, pwede ka na doon magpahinga." Napatingin naman siya sa guard.

"Ah manong, sorry po ah.. gusto po sanang lumabas nitong kaibigan ko para umuwi sa bahay nila, may LBM daw po kasi siya. Tingnan niyo nga po at hinang hina na siya." Saad niya dito.

Unforgettable MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon