Chapter 20

6 0 0
                                    

"Ang sakit ng ulo kooo!!" Napatingin ako kay tita na kabababa lang ng hagdan. Himala at nauna akong nagising sa kanya.

"Yan kasi inom pa!" Sinamaan niya ako ng tingin. Matagal siya nakauwi kagabi at tulog na nang ihatid siya ng mga kaibigan niya. Pero okay na rin siguro yun dahil baka ako ang pagalitan niya pag nalaman niyang madilim na rin ako nakauwi. Di ko pa naman sinend yung plate number.

"Oh!" Binigyan ko siya ng pain reliever at tubig. "Nurse na nurse di marunong mag alaga ng sarili."

"Gagawing kong pasyente ang sarili ko ganun? At saka minsan lang kaming mag enjoy no."

"Ewan ko sayo."

...

The next few weeks ay nandito na ulit si Maam Sharlene galing sa kanyang European tour at naging busy kaming lahat dahil sa padating na examinations, quizzes, recitations, research and projects tapos exam. Oh diba pagkatapos ng Intramurals tambak ang gawain.

Lahat kami busy at okay na rin yun para may rason ako sa tuwing sinusubukang makipag usap sakin ni Harrison. Di maganda yung last na usapan namin at di ko alam kung narealize niya bang mga pinagsasabi niya sakin nun. Knowing him, siguro wala lang sa kanya yun.

"Be pashare it nung reviewer kahapon." Jaiza smiled sweetly at Sammy who's busy with her locker.

"Sige pero kulang to eh. Try mo kay Tim alam mo na grabe mang uto yun kay Sir Dennis." She gave her phone to Jaiza.

Tsaka ko lang naalala yung mga kulang kong copies. Saan ako manghihiram ng notes nito? Kinuha ko na ang mga librong gagamitin ko at saka sinarado ang locker.

"Miss Wilson?" I looked at Sir Dennis. Kakalabas niya lang ng office niya.

"Bakit po?" I'm still wondering kung bakit pa rin siya nagtuturo eh halos wala ka ng makitang itim na hibla sa buhok niya. Mahina na rin siyang maglakad at minsan nakakalimutan niyang may klase siya sa amin.

"Pakibigay nga nito kay Christine." Pumasok siya ulit sa office kay sumunod ako. Nakita ko sa gilid ng table ang isang picture frame. Una ay may babaeng tingin ko ay asawa niya, katabi nito ay ang isang lalaking may kargang batang babae. Sa huli ay si Sir Dennis. Mukhang matagal na ito dahil medyo bata pa si Sir at asawa niya dito.

"Nag iisang anak namin yan. Karga niya yung apo namin." I slowly nodded. "Alam mo bang ang inaasahan namin ng asawa ko ay anak na babae?" He laughed. "Gusto nga sana namin sundan kaso ay nagkaroon ng sakit ang asawa ko kaya." Tumahimik siya bigla.

"May sarili na rin pong pamilya ang anak niyo?" Bumalik ang ngiti niya at tumango.

"Kung ganun, bakit pa po kayo nagtatrabaho? Pwede naman na po kayong magpahinga or mag enjoy na lang diba?" I asked him.

"Bakit? Dahil mukhang kakaunti na lang ang araw ko?" Nanlaki ang mga mata ko.

"Ah no sir, that's not what I meant." Yumuko ako. Nagtaka ako ng tumawa siya.

"Wilson, hindi lang ikaw ang nagtanong sakin niyan." He's still smiling. "Hindi lang basta trabaho ang pagiging teacher. Dito ako nag eenjoy, masaya ako at hindi dahil sinuswelduhan ako. Masaya ako kasi ito ang gusto ko." Tumango ako. Sabagay, magaling pa din naman siyang magturo kahit minsan nagchachalk siya sa whiteboard.

"Eto, bigay mo kay Christine. Sinabihan ko na siya tungkol diyan." Binigay niya sa akin ang dalawang brown folder na puno ng papel sa loob.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now