Chapter 33

9 2 0
                                    

"Matthew?" Hindi makapaniwalang sambit ko. Nilibot ng mga mata ko ang paligid at binigyan sila ng nagtatanong na tingin. Ngunit imbis makahanap ng sagot ay mas lalo lamang iyon nakadagdag ng mga katanungan ko.

Dahil naroon din sila at animo'y kakadating pa lang. Kasama ng mga taong kilala ko. Tulad nila Tita, nila Ninong at Ninang, at ng mga kaibigan ko ay nakaayos at nakadamit rin sila ng tulad sa amin. Na animo'y kasali rin sila sa kung ano mang meron kami ngayon.

Nanatili ang paningin ko kina Yuna, Lucy at Alex. Syempre, bakit pa nga ba ako magtatakang narito din sila kung andito si Matthew. Dahil sa pagtitig ko'y nailang silang tatlo at bahagyang yumuko ngunit agad silang kinausap ni Tita at nginitian.

"Iza." Tawag sa akin ng kaharap ko. Hindi ko man lang napansing nakalahad na ang kanyang mga kamay dahil sa iba nakatutok ang paningin ko. Napatingin ako roon at ilang segundong natulala. Hindi alam kung anong gagawin.

Ramdam kong nailang siya hanggang sa ibinaba niya iyon at ibinigay ang hawak na pink rose na nasa isang kamay. Umangat ang mga mata ko sa mukha niya. Seryoso siyang nakatitig sa akin at kitang-kita ko ang magkakahalong emosyon sa mga mata nito.

Nakatingin pa rin sa akin, kinuha niya ang kamay kong may hawak ng di mabilang na pink roses, at siya na mismo ang naglagay doon ng rose na bigay niya.

"May I?" Tanong nito at naglahad ulit ng kamay.

Wala sa sariling nilibot ko ang paningin at maging sa likuran niya'y napatingin ako. Lahat sila'y naghihintay lamang maisayaw ko si Matthew. Sa likod naman nito'y wala nang ibang kasunod na isasayaw ko. I left out a heavy sigh. Siya na ang huling isasayaw ko.

Nakayuko. Mariing nakapikit. Inangat ko ang aking kamay at ipinatong roon. I opened my eyes and it met his gaze. He's looking intently at me when a soft smile formed into his lips. Ipinatong ko ang aking isang kamay na may hawak na mga bulaklak sa kanyang balikat. Siya naman ay hinawakan ang aking bewang.

Marahan niya akong isinayaw kasabay ng musika. Kung gaano niya natatagalan ang aking tingin ay hindi ko alam. Napapayuko na lang ako o iniiwas ang aking paningin dahil ako na rin mismo ang naiilang.

"Hinanap kita." Saad nito. Gulat akong nag-angat ng tingin.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hinanap kita Iza. Gusto kitang makausap. Gusto kong magpaliwanag. Ang dami kong gustong sabihin sa'yo." Dire-diretsong wika nito.

"Okay na ako ngayon. Pakiusap, wag niyo na akong guluhin." May diin kong sagot. Nalilito ako kung bakit narito siya sa harapan ko ngayon. Kung bakit narito silang apat ngayon. Ano na naman bang kailangan nila sa akin?

"Iza. Lahat ng sinabi ko sa'yo noon. Lahat ng ginawa ko, totoo 'yon. Di ko man diretsahang nasabi noon pero pinaparamdam ko naman sa'yo. Iza ma-"

"Tumigil ka."

"Mahal kita Iza. Minahal kita." Puno ng emosyong sambit niya. Ilang beses akong napalunok habang iniisa-isa lahat ng binanggit niya. Tama bang narinig ko o mali lang ang sinabi niya?

"Noong una pa lang kitang nakita, sa cafeteria, you already captured my heart Iza. Gusto kong mapalapit sa'yo at masaya akong mga kaibigan mo na mismo ang naglalapit sa'yo sa akin."

"Pero niloko niyo pa rin ako. Hindi kayang takpan ng nararamdaman mo ang sakit na naramdam ko n'on." May pait sa tinig ko nang sinabi iyon.

"Hindi ko alam ang totoong intensyon nila sa'yo at mas lalong wala akong alam sa mga pinaggagawa nila. Oo, minsan ko na silang naririnig na pinagsasalitaan ka ng mga kung anu-anong salita pero hanggang doon lang iyon."

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now