Chapter 23

10 1 0
                                    




Lakad-takbo naming sinugod ang kwarto ni Ivory pagkatapos malaman ang room number nito. Pilit kong winawakli ang mga naiisip ko ngunit sadyang hindi ko mapigilan. Kusang nagsituluan ang aking mga luha nang maalala ang mukha ng batang minsan ko na nakasama, nakausap at nakayakap.

Damn you Lhouiza! You gave her your number!

What if si Ate Rachel nga yung tumatawag? O si Ivory mismo? Damn it! I promised them na darating ako kapag kailangan ako ni Ivory. Anong ginawa ko?!

Agad akong napatingin kay Harrison ng hawakan niya ang kamay ko. He's still looking on the front while we were half running. We both stopped when we saw Ate Rachel outside Ivory's room. Nakaupo siya at sapo ang mukha ng dalawang kamay. Tumataas-baba ang kanyang mga balikat at rinig pa rin ang pinipigilang hagulhol.

We walk towards her without saying anything. Nag-angat siya ng tingin at tumayo. She wiped her tears with the back of her hands and opened her mouth for a moment. Ngunit agad ring itinikom nang walang mapiling salita para kausapin kami. We just hugged her and I carresed her back that made her cry even more.

Wala pa naman silang binabanggit kung ano talagang nangyari kay Ivory pero mas lalo lang itong nagpadagdag ng kaba ko. Hindi ko alam kung mas pipiliin ko bang malaman ang totoo o hayaang ganito na lang. Sa tingin ko kasi, hindi ko kakayanin kung ano man ang posibleng nangyari sa kanya.

Napahinto kami sa ginagawa at napalingon sa maiingay na yabag ng mga sapatos ng mga taong papunta sa direksyion namin. Nakarehistro sa kanilang mga mukha ang pinaghalong kaba, lungkot at pag-aalala. Humahangos silang huminto sa harap namin at ilang segundong hinabol ang paghinga.

"Kami lang ang pinapasok." Simula ni Christine. Kasama niya sina Ciyoh, Rhaina, Terry at Joyce.

"A-ano pong nangyari?" Maingat na tanong ni Rhaina at nagkatinginan kaming lahat.

Tahimik kaming lahat na umiiyak habang nakikinig kay Ate Rachel. Pansamantala kaming pumasok sa kwarto ni Ivory dahil binigyan kami ng kaunting oras ng doktor para kay Ivory.

Napakapayapa ng mukha nito na animo'y anghel na natutulog. Halos kulay papel na ang balat nito dahil sa sobrang puti. Tuyot na tuyot ang labi nito bagamat parang nakangiti pa rin. Bakas sa ilalim ng mga mata nito ang labis na pag-iyak, pagod at sakit na nararanasan. Suot niya ang isang wig na bigay ko. Marahan ko itong hinaplos na sanhi ng biglaang paglambot ng tuhod ko at mas lalong paglakas ng mga luha ko. Hinawakan ako ni Harrison sa magkabilaang balikat at marahang hinaplos ng mga daliri ito. Pinapatahan ako.

Kinuha ko ang phone ko galing sa bulsa at mabilis na pinindot ang numerong halos isang linggong tumatawag. Kung dati ay inis na inis ako sa tuwing tumatawag ito, ngayon ay para akong mababaliw sa lungkot dahil tumigil na ito.

Sana ay hindi. Sana ay mali ako.

Hinayaan kong bigyan ang sarili ng kahit isang porsyentong pag-asa. Na hindi sa kanya ang numerong ito. Na posibleng sa mga ninong at ninang ko ito. Sa mga dati kong kaklase at schoolmates. O sa mga loko-lokong pinagtitripan lang ako. Na nagkataon lang na tumigil ito sa pagtawag dahil lowbat o walang load.

Na hindi kay Ate Rachel ito.

Ngunit agad na nawala ang katiting na pag-asang iyon ng magring ang phone niya. She looked at me but still took out her phone from her pocket. Maging ang mga kasama ko ay nagkatinginan at nagtataka.

I saw how she swiped the green button and how my call got accepted by the receiver.

"K-kayo ang tumatawag sa akin?" I finally asked kahit alam ko na ang sagot. But confusion was written all over my face when she shook her head.

Unforgettable MistakeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin