Chapter 16

6 2 0
                                    





"Sigeeee naaa Presidenttt!"

"Oo nga! Dapat lang magcelebrate tayo! Nanalo kami sa basketball!"

"Nanalo rin sila Lhouiza sa Ms. and Mr. Intramurals! Plus sina Jaiza sa cheering!"

3rd day ng Intramurals at umagang umaga pa lang ay kinukulit na nila Kirby si Christine na pumayag magcutting class. Wala naman daw kaming sasalihan pang mga contest simula ngayon which is true din naman. After those stressful days, aba dapat lang maghappy happy kami ngayon noh. Kaso nga lang ayokong umabot kami sa pag oover de bakod. AYOKO NA UMULIT.

"Guys, ang dedemonyo niyo. Pag nalaman to ng mga teachers, lalo na ni maam lagot ako nito."

"Di naman nila malalalaman eh! Nasa European tour pa si maam dibaaaa?" Pati sila Jaiza ay nakisali na rin.

"Nakaperform din ang Band-Aids successfully kaya sige na please!" Nagpuppy eyes pa si Cecille.

"Oo nga! Manlilibre pa sila Cecille!" Sigaw ni Harrison. Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon. Pagkatapos ng laro ay tumakbo ang mga kaklse ko papunta sa kanila. Syempre sumunod ako, ayoko namang maiwan mag isa sa bench. Ang daming estudyante kaya napasighap ako ng biglang may yumakap sakin. Si Mr. Intramurals of the year lang pala. Bumulong pa siya ng thank you, para saan? Para sa biglaang death threat ko sa kanya?

"Hoy Temote Wendel! Ano pinagsasabi mo dyan?"

"Hoy ka rin Sisil! Nakalimutan mo na ba? Ah alam ko na! Kunwari nakalimutan mo para matakasan mo yung pustahang libre, ikaw ha!"

"Excuse me Mr. Tim, I don't know what you're talking about."

"Taray girl! I don't know-I don't know ka pang nalalaman dyan eh ang daming witness nun!" Sabat ni Lalaine.

"Kapag nanalo kami sa basketball ngayong taon, manlilibre kayong tatlo!" Harrison smirked.

"Huh? May sinabi ba akong ganyan?" Inosenteng tanong ni Cecille.

"You do know that we love you girl right? But F.O. muna tayo ngayon ha?" Nakangiting sambit ni Jaiza habang hinahaplos ang pisngi ng kaibigan.

"Oo nga! Dinamaydamay mo pa kami dyan!" Hope added pouting.

"Aba bakit? Di naman pumayag si President ah? Tsaka malay ko bang mananalo yang mga yan!"

"Ayun! Bumalik na yung alaala niya!" Sigaw ni Harrison.

"President wag ka na lang pala pumayag. Sige ka lagot ka kay maam!"

Ang ingay na ng classroom. May ibang nagdadalawang isip na sumali pero mas marami talaga ang gustong magcutting. Lahhh...

"Cr lang muna ako ah." Rinig kong paalam ni Avie kina Joyce. At ayun, naiihi na rin ako kaya naisipan ko ring mag cr.

Ang bilis maglakad ni Avie kaya di niya siguro namalayang nahulog ang panyo niya. Pinulot ko ito tsaka binilisan din ang lakad.

"Avie!"

"Avie wait!"

"Avie yung panyo mo!"

Bakit di niya ako pinapansin? Mas binilisan ko ang lakad at nung maabutan ko na siya ay doon ko napansin ang suot niyang headset. Ah kaya pala. Hinila ko ang braso niya para makuha ang kanyang atensyon.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now