Chapter 30

5 3 0
                                    

"Lhou." Tawag nito na ikinagising ng diwa ko.

"H-huh?"

Sumilay ang pilyong ngiti nito. "Sabi ko bakit ka andito? Nasaan ang mga kasama mo?" Patuloy nito na ikinakunot-noo ko.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa'yo niyan? Bakit na nandito?"

"Kasi gusto ko." Sabay kibit-balikat nito.

"Sinong kasama mo?"

"Sa pagpunta dito wala pero sa pagcelebrate ng New Year kayo."

"Kapal. Inimbita ka ba ha?" Taas ang isang kilay kong tanong.

"'Yon na nga. May nakapagsabi sa'kin na sa kapal daw ng mukha ko, kahit di ako imbitahin ay pupunta pa rin ako." Napamaang ako sa sagot nito.

"A-akala ko ba kina Kirby ka makikipagcelebrate?"

"Wala akong sinabing pangalan. Halika na nga! Ang dami mong tanong." Hinila niya ako patungo kung saan.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa kung saan mo gusto." Iyon ang sagot niya pero patuloy pa rin ang paghila niya sa akin na para bang alam niya kung saan ko gustong pumunta.

"Kailangan ko makabalik bago magcountdown!" Nababahala kong sagot nang maalala sina tita.

"Malapit lang 'yon dito."

Napahinto kami nang marating ang isang lugar na tahimik at wala masyadong ingay. May ilang taong dumadaan. Naroon kami pero ang isip ko ay naiwan pa rin ata sa plaza kung nasaan sina tita. Pilit ko iyong iwinaksi sa isip ko dahil wala namang text o tawag si tita sa phone ko kaya siguro okay lang na makasama muna ang lalaking 'to. Nilingon ko si Winwin at kita ko ang dismayado niyang mukha.

"Bakit?" Tanong ko.

"Balik na lang tayo bukas. Maaga siguro silang nagsara dahil New Years eve ngayon." Sabay kamot-ulo nito.

"So saan tayo nito?" Tanong ko ulit.

"Food trip?" Aya niya na sinang-ayunan ko.

Halos lahat ata ng dinadaanan naming street foods ay tinitikman namin. Salitan kami ng libre habang nagkukuwentuhan. Parang hindi kami nakakaramdam ng kabusugan kahit pa halos kakanin ang mga kinain namin dahil sa kwentuhan at tawanan.

"Isang beses nga habang nagpapractice kami, natamaan ng bola sa mukha si Kent kakatingin kay Rose." Natatawa niyang wika. "Tapos nung tutulungan na sana siya ni Ridji bigla itong nadapa dahilan para madaganan niya si Kent na mas lalong nasaktan." Bigla itong bumulalas ng tawa na ikinahawa ko. Napahawak pa ito sa tiyan na animo'y nakikita niya ulit sa harapan niya ang pangyayaring iyon.

"Sana rin napanood mo ang pagkanta ni Khaye sa harap ng klase nun na biglang pumiyok." Tawa niya ulit kaya nahampas ko siya.

"Ang sama mo!" Buwelta ko pero natatawa rin naman noong inimagine ko. Naranasan ko na rin naman pumiyok noong isang beses na tinawag ko ang dati kong teacher na naglalakad sa hallway sa dati kong school para ipasa ang project ko. Mas lalo akong natawa noong naalala ko 'yon.

"Naalala ko rin noong nagpakulay kami ng buhok nila Kirby at Ridji. Feeling astig kami nun pero halos maiyak kami nang malaman iyon ng prefect of discipline ng junior high school at umabot kay Dean. Ang ending pinakalbo kaming tatlo." Mas lalo pang lumakas ang tawa namin dahilan para mapatingin sa amin ang ibang tindera at mga namimimili.

Unforgettable MistakeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz