Chapter 26

6 2 14
                                    

Maayos niyang pinark ang kotse sa parking area ng resto. Napatingin ulit ako sa mga kaklase ko. Hindi man lang nila nilingon ang sasakyan ni Winwin. Siguro maging sila ay wala ring alam tungkol dito. So, talagang ngayon niya lang ulit ito ginamit? Teka, ako pa lang ba ang pinasakay niya rito?

May kinuha si Winwin na kung ano sa likurang upuan ng kotse. I looked at it intently when he unfold it. Ah, denim jacket pala. Sinuot niya iyon at nakangising humarap sa akin.

"Ayan. Sakto na." Kunot-noo ko siyang tiningnan pero ang asungot biglang bumaba ng kotse at pinagbuksan ako.

"Dali. Tayo na lang hinihintay." He held my hand and we ran towards them. Hindi matanggal ang mata ko sa magkahawak naming kamay.

"Guys dali tingnan niyo!" Agad na sigaw ni Cecille nang makita kami. Nakita rin kami ng mga kaklase naming nasa loob kaya lumabas sila.

"Uyyy! May something!" Sigaw ni Redge kaya hinila ko ang kamay ko kay Winwin.

"Lumelevel up!"

"Sana all may pa couple attire!"

"Matchy matchy." Nakatingin sila sa suot namin dahilan para mapatingin rin ako dito. Shit! Mukha kaming nag-usap sa susuotin namin. Tiningnan ko ng masama si Winwin pero nakangising nagkibit-balikat lang ito. Kaya pala niya sinuot yung denim jacket kahit mainit.

"Pasok na tayo guys! Gusto na kayong mameet nila Mommy't Daddy." Ngumiti si Sarah sa amin. Napatingin kaming lahat kay Redge na biglang tumikhim.

"Okay na bang ayos ko?" Tanong nito kay Kirby.

"Okay na yan bro kahit amoy pawis ka na."

"Gago pampa-goodshot to kina Mommy't Daddy. Pahinging perfume."

"Amfee! Hindi ka pa nga sinasagot ni Sarah!"

"Bakit sinagot ka na ba ni Liyah?"

"Oh ba't napunta sa amin?"

"Iwan na lang natin sila." Saad ni Christine tsaka pumasok na sa loob.

"May nireserve na silang tables sa atin sa second floor. Wag lang daw tayong masyadong maingay sa itaas para di maisturbo ang mga nandito sa baba." Si Sarah.

Nakasunod kaming lahat sa kanya. Maging sina Kirby at Redge ay sumunod na rin sa likuran matapos maligo sa perfume. Lahat ng dinadaanang customer ay binabati at nginingitian ni Sarah kaya ginaya rin ng mga kaklase ko. Mukhang kilala na si Sarah dito o siguro'y dito laging kumakain ang mga customers na ito. Nakakainggit ang mga kompletong pamilyang kumakain rito. Madalas rin kaming ganito dati nila Mama't Papa dati, minsan kasama pa si tita, minsan yung mga ninong at ninang ko.

Umakyat kami sa itaas at nakakagulat na walang ibang customer, ibig sabihin ang buong floor na ito'y pinareserve para sa amin. Ganito kami pinaghandaan ng parents ni Sarah? Bakas sa mukha namin ang tuwa dahil kitang kita ang napakagandang view mula dito. Winelcome kami ng parents ni Sarah na may ngiti sa mga labi. Gaya niya ay mukhang mababait rin ito. Mukhang kilala na ng ibang mga kaklase ko ang parents niya lalo na si Liyah na siyang pinakaclose ni Sarah.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now