Chapter 14

11 3 0
                                    



Ngayong araw ang opening program ng Intramurals. Kinakabahan na ako sa gagawin ko doon mamaya. Wala pa naman si tita dito ngayon kaya wala akong malalabasan ng sama ng loob.

Oo na sasali na ako. May choice pa ba eh ako na yung napili eh? Hays.

Noong una ayaw na ayaw ko talaga sumali, pero noong naisip ko lahat ng mga pinagsasabi ng ibang contestants, yung sinabi ng instructor namin, pati lahat ng sacrifices ni Harrison at ng mga kaklase ko, I realized that I should be brave too. Kung naniniwala sila sa kakayahan ko, dapat maniwala rin ako sa sarili ko. Hindi lang to para sa akin kundi pati na rin kay Harrison, sa mga kaklase ko, at para sa mga kayear level ko. Besides, ngayong araw lang to.

Sabi nila 8:30 daw mag uumpisa ang opening program ng intrams, ang Mr and Ms Intramurals naman ay mga 10.

Simula noong umalis si tita ay puro na processed foods at canned goods ang kinakain ko. Nag iwan naman si tita ng mga karne at gulay kaso nakalimutan niya atang hotdog, ham, bacon at iba pang 'simpleng prito' lang ang kaya kong lutuin. Sanay kasi akong siya ang laging nagluluto para sa akin. Hays. Ang lungkot lalo ng bahay. Wala na nga sila mama't papa, wala pang maingay na boses ni tita.

Pagkatapos ko magluto ng chicken hot dog at bacon ay napatingin ako sa orasan. Nanlaki ang mga mata ko dahil mag aalas otso y media na!

Mabilis akong naligo at hinanda ang mga gamit na gagamitin ko. At kung seswertehin ka nga naman, traffic! Shet 9:10 na. Napatingin ako sa harapan ng sinasakyan kong tricycle. Mukhang may nangyayaring gulo sa gitna ng kalsada. Ang galing, napaka cliché!

"Manong dito na lang ako, salamat po." Sabay bigay ko ng pamasahe. Tumakbo ako dala ang ilang gamit na gagamitin ko sa contest hanggang sa may parte kung saan konti na lang ang sasakyang dumaraan. Naliligo na ako sa pawis at ang gulo na ng buhok ko. Phew, Ang layo na ng natakbo ko.

Sinubukan kong pumara ulit ng tricycle kaya lang ay wala ng nagpapasakay. I wonder kung ano nang itsura ko ngayon. Nakakatakot na ba?

Dahil wala na akong choice, tumakbo ulit ako. Unti unting bumabalik ang sakit ng binti at paa ko tulad kahapon.

"Manong pasakay po!" I sounded so desperate. Naluluha na rin ako. Mukha namang naawa sa akin si manong dahil pinasakay niya ako.

"Thank you! Sa JJISAT po manong." Hingal na hingal kong sabi.

Pagkarating na pagkarating sa school ay mabilis akong bumaba, di ko na rin hinintay ang sukli ko. 9:30 na!

Hingal na hingal akong nakaabot ng classroom. Kinabahan ako bigla dahil opening program ngayon pero napakatahimik nila, di sila kompleto dahil ang tantsya ko ay kalahati lang ng klase ang nandito. Gulat sila ng makita ako.

"Lhouiza! Anong nangyari sayo?" Tanong ni Terry habang inaayos ang magulo kong buhok. Inabutan ako ng tubig ni Sammy.

"Pawis na pawis ka, umupo ka muna."

"Hindi pwede, late na ako! Nasan si Harrison?" Sagot ko kahit hinihingal pa rin. Lahat sila ay nagkatinginan.

"Lhouiza, bakit ka pa pumunta dito?" Pinaghalong kaba at pagtataka ang naramdaman ko sa sinabi ni Christine.

"B- bakit?"

"Sabi ni Harrison di raw kayo tuloy sa Mr and Ms Intramurals. Alam na ng buong year level natin yun. Walang magrerepresent ng year natin. Kaya kami nagtataka kung bakit ka pa--"

"Nasaan si Harrison?"

"Pero--"

"Nasan siya?!" Nagulat silang lahat sa pagsigaw ko.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now