Chapter 18

11 1 0
                                    

"Tita mas cute to!" Ipinakita ko ang t-shirt na color black and white at may mukha ng panda.

"Iza mas cute kaya tong dress!" Itinaas ni tita ang dress na color black and white din.

"Tita ayoko na magdress tsaka mas cute kaya to kasi may mukha ng panda!"

"Eh why don't we buy both?"

"Hindi na ako nagdedress tsaka saan ko naman gagamitin yan eh hindi naman ako mahilig lumabas ng bahay."

"Edi sa susunod na lalabas ulit tayo. Akin na nga yan!" Kinuha niya ang hawak kong t-shirt at nilagay sa hawak na basket. Namili din siya ng kanyang dresses at isang sweater na babagay sa kanya.

"Hala tita gusto ko din nun!" Hindi matanggal ang tingin ko sa cute na hoodie na may mukha na naman ng panda. Ahhhh bat ba nakakaadik to?!

"Mukha ka ng panda Iza. Pero sige na nga." I hugged her tightly and kiss her cheeks.

"Gusto ko pa sana bumili ng bagong sandals kaso wala na akong time." Tita said while carrying four paper bags. Apat din sa akin.

"Edi next time ulit. Thank you nga pala sa libre tita."

"Sa mga magulang mo galing yan no." Napangiti ako ng maalala ang manang nakuha kina mama at papa pero mas pinili kong ipahawak kay tita. Mas marunong siyang magbudget kesa sa akin.

"Thank you pa rin."

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ang isang shop ng mga wig. Bigla akong may naalala.

"Iza ice cream tayo!" Hinila ako ni tita sa isang ice cream parlor.

Habang kumakain ng ice cream ay nagkukwento si tita tungkol sa mga tinulungan nila sa Nueva Ecija. Tanging pagtango at pagngiti lang ang nagawa ko. Namiss ko talaga yung maingay niyang boses.

"Tita." Napahinto siya sa pagkukwento.

"Bakit? Ayaw mo ng flavor na yan? Akin na nga." Akmang kukunin niya ang ice cream ko pero nilayo ko to sa kanya.

"Hindi to ang pipiliin kong flavor kung ayaw ko nito."

"Eh ano ba yun? Ayaw mo ng kwento ko? Edi wag. Di naman kita pinipilit makinig ah." Napatawa ako ng mahina pero agad ding sumeryoso.

"Hindi. Gusto lang kitang tanungin."

"Ano?" Her forehead creased. She probably realized that I am now serious.

"Tita." Napahinga ako ng malalim. "Mahal mo'ko diba?"

"Hmm, may hihingiin ka ba sakin?" Umakto siyang nag-iisip. She sighed and held both of my hands. "I love you more than anyone else Iza. You're all that I have now. If I am to choose between you and my work, I am very willing to give up my career and choose you of course." I felt my heart touched by her words.

"Wala ka pong balak magkasariling pamilya? Am I not a burden to you?"

"Ano ka ba? Syempre di ka pabigat. Alam mo tuwing nakikita kita naalala ko si ate. You're really look like your mother. Tsaka di ko na kailangan ng sariling pamilya. Ikaw pa nga lang sobra na. Imagine isa ka lang pero may pamangkin, anak, kapatid at bestfriend na ako."

"Tita I'm not stopping you to have your own family. Pero kung sakaling magkaroon ka na nga ng sarili mong pamilya, you won't forget me right?" She nodded.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now