Epilogue

10 2 0
                                    

If someone would ask me...

Sa anong bagay mo maikukumpara ang buhay mo?

I would answer, sa isang kadena.

A chain that holds and connects a series of events, things and also people.

Nagsimula ang lahat sa akin. Nagsimula ang lahat sa pagiging makasarili ko. Sa kagustuhan kong makasama ang mga magulang ko kahit alam kong busy sila. Kahit alam kong marami pa silang ibang inaasikaso lalo na't mga doktor sila.

Mga magagaling na doktor.

"Mama, Papa. Kahit isang beses lang please. Malapit naman na ang 12th birthday ko eh, kahit 'yon na lang gift niyo. Gusto ko maranasang mag family picnic tulad nang mga nakikita ko sa tv."

"Okay, but baby... Can we move the date? May aasikasuhin pa kasi kami ni Mommy that day."

"No! I want that day only for us! Ganyan naman kayo lagi eh, always niyo imomove 'yong date until hindi na tayo matutuloy. Lagi na lang 'yong work niyong inuuna niyo. You love your work more than me!"

"Iza!"

It all started with me. All of those things happened because of me.

Kung sana ay hinayaan ko na lang silang magtrabaho. Kung sana ay pinagbigyan ko na lang silang imove ang araw ng letseng request ko na family picnic. Kung sana ay mas inintindi ko sila. Kung sana ay di ako naging selfish.

Baka sakaling naoperahan agad ang Mama ni Ivory. Baka hindi siya agad nawalan ng buhay, at baka hindi nagalit nang ganoon ang Papa ni Ivory.

Baka mas matagal niya pang nakasama ang anak niya. Baka mas naging masaya at payapa pa ang natitirang buhay ni Ivory.

Baka walang nagtanim ng sama ng loob sa mga magulang ko. Baka hindi sila nawala at hindi ako nagdudusa ng ganito.

Baka walang maling tao ang naakusahan. Baka buhay pa ang Mama ni Winwin. Baka magkabati pa ang mag-amang Harrison. Baka mas naging totoo ang saya niya habang lumalaki siya.


Kaso hanggang baka na lang ang lahat ng iyon. Lahat ay nangyari na at hindi na tuluyang mababago pa. Hindi ko na maiiba pa ang nakaraan.


"Kahit pagbalik-baliktarin mo man ang mundo, kahit pilitin mo pang bumalik sa nakaraan, hindi na mababago ng tadhana ang nakalaan ng mangyari."

"Lagi mong tandaan na wala kang dapat pagsisihan sa bawat maling desisyong nagagawa mo, dahil kaakibat nito ay ang bawat leksyong matututunan mo. Bawat mali ay tinuturuan tayong maging tama. Bawat sakit ay tinuturuan tayong maging matapang at matatag. At nakikita na namin iyon sa iyo Iza."

"Iza, mas magiging magaan ang paglalakbay mo sa hinaharap kung hindi mo dala-dala ang nakaraan mo sa iyo."



"Hi Lhouiza! Kanina ka pa namin tinitext di ka naman marunong magreply. Bakit ngayon ka lang?" Bungad ni Jaiza pagkarating ko sa resto nila Sarah.

Mas malaki na ang resto nila ngayon. Matagal na kaming kilala ng parents ni Sarah kaya kapag nagrequest ang anak nito, agad kami nitong pinagbibigyan. Tulad ngayon dahil sinadya na naman nilang ipasarado ang buong resto para sa amin.

"Akala namin di ka na makakarating. Andito na si Daniel mula sa ibang planeta and syempre si Terry dahil dito naman talaga siya nagwowork. Si Sammy wala pa rin at hindi na nagrereply gaya mo. Saang lupalop kaya nakarating ang babaeng 'yon. May clue ka ba Lhouiza?" Patuloy na daldal ni Jaiza habang pinapanood namin ang banda na mag-ayos ng mga instrumento nila sa gitna.

Unforgettable MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon