Chapter 5

18 3 0
                                    

It's already been a week at ganoon pa rin. Puro pangungulit ang nakukuha ko sa mga kaklase ko. They will always give me snacks para sabay kami nilang magrecess, hindi pa rin ako sanay doon nang biglang isang araw, pati lunch ay binibigyan na rin nila ako. Nagulat pa nga ako kasi sabay-sabay pala talaga silang naglulunch, pinapabilog nila lahat ng armchair dahil nakakabastos daw kakain ng nakatalikod ka sa iba, If I know, ginagawa lang nila iyon para makahingi ng ulam doon sa ibang may masasarap na ulam, nagpapray din sila bago kumain kahit di halata sa mga itsura nila.

Ganito pala silang maglunch, kaya pala wala akong nakikita ni isa sa kanila sa cafeteria noong minsan akong napadaan doon. Syempre patuloy akong tumatanggi but mas nagiging makulit lang sila. Kaya wala akong choice kundi kumain na lang din, medyo masarap din naman ang mga ulam nila, oo medyo lang. Tuyo na sinamahan pa ng suka na may kalamansi at sili,  nilagang okra na sinasawsaw sa bagoong. Pwede ko na ring pag tyagaan. Actually konti lang ang nakain ko. Mga lima o anim na tao lang naman ata ang nakipaghati sa akin ng kanin nila. First time kong makakain non at dahil hindi masyadong masarap ay nagpaluto ako ng ganon kay tita.

Sumasabay akong lang maglunch but it doesn't mean na gusto ko na silang maging friend. Pero sa susunod nga ay makapagdala na rin ng sariling lunch, hindi dahil gusto kong makipagsabayan sa kanila, ayoko lang kasing makipagshare ulit no. Pero kung ganon ulit ang ulam nila, baka pwede kong pagtyagaan ulit.

Sabado ngayon at naisipan kong mamasyal sa may park, gusto kong magpahangin dahil sawa na rin akong magkulong sa kwarto.  Wala kasi si tita dahil nasa work siya, 3 years ago ay naging official nurse na siya. Sayang nga lang dahil di iyon naabutan nila Mama't Papa. Shift niya ngayon kaya wala siya sa bahay nang umalis ako. Bago ako tuluyang nakalabas ng gate namin ay napansin ko pa ang black and white na bike na nakaparada malapit doon. Iyong ireregalo sana sa akin nila Mama't Papa nang araw na iyon.  Ilang beses ko pa lang nagagamit ito. Malaki na rin ako para rito kaya paniguradong di ko na magagamit ito.

Naglakad lang ako papunta rito sa park dahil di rin naman masyadong kalayuan sa bahay ito. Nang makarating ay naghanap ako ng magandang pwesto kung saan may masisilungan. Pinagmamasdan ko ang magandang kalangitan, makukulay na mga bulaklak at paru-parong lumilipad. Napakasariwa rin ng hangin at napakatahimik. Napasinghap ako at nakaramdam ng lungkot ng makita ko ang masasayang pamilya na naglalaro at nagkakasiyahan. May ilan ring mga estudyante na nagpapractice ng sayaw, may ilan ding mga vendors sa gilid na nagbebenta ng mga makakain at makukulay na balloons.

Sandali kong ipinikit ang mga mata ko para iwasang mainggit sa mga ngiti ng mga taong nandito. Ngunit napamulat din ako ng makarinig ng iyak ng isang bata. Napatingin ako sa bench na inuupuan ko at natagpuan kong may kakaupo pa lamang ritong isang batang lalaki na tingin ko ay nasa limang taong gulang pa lamang, pinapatahan siya ng isang lalaking mga nasa sampung taong gulang ata. Tingin ko ay kuya niya ito.

"Ang ingay mo, alam mo ba yun?" Diretsahan kong sabi sa batang umiiyak. Gulat na mang napatingin sa akin ang kuya niya, mas lalo lang rin lumakas ang iyak nung isa.

"Kapatid mo?" Tanong ko sa mas nakakatanda. Napatango ito.

"Sorry po." malungkot na sabi niya at muling pinapatahan ang kapatid.

"Ano bang nangyari?" Di ko ugaling mangialam pero gusto ko na rin kasing matahimik ang isang to.

"Umalis po kasi saglit yung ate namin kasi may emergency daw, di po namin alam kung saan siya pumunta, halos mag iisang oras na po namin siyang hinihintay, Hinahanap na po siya ng kapatid ko." Halatang naiiyak na siya pero pilit niyang tinitiis dahil ayaw niya itong ipakita sa kapatid niya. Nakaramdam naman ako ng inis sa ate niya. Napaka iresponsable niya kung sino man siya. May naisip naman akong ideya.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now