Chapter 13

11 2 0
                                    





"One, two, three and turn! Okay very good!" Sigaw ng teacher na nag iinstruct sa amin ngayon.

Nandito kami ngayon ni Harrison sa dance room kasama ang ibang sections sa year level namin. Buti na lang at hindi pinayagang pumasok at manood ang mga kaklase namin dahil kung sakali ay nakakahiya.

"Papayag ka rin pala, tumakas takas ka pa." Bulong ng katabi ko.

"Shut up Harrison. This is all your fault. Kung hindi niyo ko pinagkaisahan noong elections ng officer sa classroom ay wala sana ako dito ngayon." Mahina siyang tumawa.

"Lhou, kung hindi ikaw ang muse baka hindi tayo ang manalo dito."

"Wow Harrison, ang taas ng confidence mo. How sure you are na tayo ang mapipiling pambato ha?"

"Lhou matagal na ako sa school nato. Lahat sila ay pabalik balik lang sa pagsali dito tapos lagi namang talo. Nakakasawa ring pagmumukha nila no." Sabay tingin niya sa lahat ng nandito ngayon.

"Oh tapos? Edi mas may chance pala sila kasi sanay na sila dito."

"This is also my first time. In short tayong dalawa lang ang baguhan dito. Do you think pipiliin nila yung mga dating nakasali na at natalo na rito? Believe me, tayo ang pipiliin nila." I gulped with what he said. Bigla akong kinabahan. Pumayag akong sumali dito dahil alam kong hindi kami ang mapipili. Relax Iza, hindi seryoso si Harrison dun.

"Excuse me." Nabaling ang tingin ko gurong nag iinstruct sa amin.

"I love your fierce look but could you please smile. We are joining a competition. This is not just a game, okay? All of you should give your very best."

"Hala, napansin ka na." Bulong ni Harrison.

I forced my self to smile, ayokong mapili pero ayoko ring mapagalitan. She look so strict kahit malumanay lang ang pagsalita niya. Pinipigilan naman ni Harrison ang tawa niya.

"Ang plastik ng ngiti mo Lhou, halatang napipilitan." Mahina ko siyang siniko.

"But you still look cute." Hindi ko siya pinansin at nakinig na lang ako sa instructor namin.

Iniisa isa ang boys sa paglakad, pagpose at pagngiti. Hindi maipagkakailang mas malakas ang karisma ni Harrison kumpara sa ibang boys. Napapansin ko ring napapatingin sa kanya ang ibang girls. Lakas ng hangin ng isang to.

Sunod naman kaming mga babae. Ganoon din ang ginawa namin at nakakahiya dahil halatang sanay na sanay na sila habang ako ay para lang namamalengke na nabibigatan sa mga bitbit kung maglakad. Hindi ako sanay sa takong at mas lalong hindi ako sanay magpose at ngumiti. Ilang beses akong sinigawan ng instructor ng "smile girl smile!" Pinipigilan ko na lang ang sarili kong huwag umirap sa kanya. Buti na rin to para hindi nga ako ang mapili nila.

Nang tumingin ako kay Harrison ay nagcecellphone lang ang mokong habang nakangiti. How dare he na makipagtext text lang habang ako kanina eh nanonood sa practice niya. Di ba siya marunong magbalik ng support? Wadahek Iza, anong pinagsasabi mo?

.....

Kinabukasan ay maaga kaming pinatawag sa dance room kasama ang ibang sections.

"Mr Harrison?" Tawag ng instructor dito.

"Yes maam?" Sabay taas kamay niya.

"Ms Wilson?" Mabilis akong napatingin ng tinawag ang apelyedo ko.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now