Chapter 11

8 3 0
                                    



Lahat kami ngayon ay nasa sala nila Nathalie. Si Rose naman ay nasa kwarto ni tita Riz kasama mismo ang ginang. Aalis na sana ito matapos marinig ang sagot ng ginang kung hindi lang siya kinonsensiya ng nga kaklase ko. Kesyo raw di sila magkakabati kung di muna siya makikinig sa kanila, at kung di sila magkakabati ay di namin mapupuntahan si Terry. Siguro ay pinapaintindi na sa kanya ngayon ni tita Riz ang mga nangyari.

"Nat, kung di mo mamasamain, ano ba talagang nangyari sa pamilya niyo at nila Rose?" Tanong ni Liyah.

Ibinaba ni Nathalie ang ininumang baso, huminga ng malalim bago nagsalita.

"Kung tutuusin, mas maswerte si Rose. Magkasama nga ang mga magulang ko pero hindi naman nila mahal ang isa't- isa. Kinasal lang sila dahil gusto ng mga magulang nila, at wala silang karapatang humindi. Arrange marriage, dahil sa business, dahil sa pera, kapangyarihan, ganun." Sabay kibit balikat nito.

"Nakakalungkot oo, masakit sa part ko. Kasi feeling ko isang pagkakamali ang mabuhay ako. Pero nasanay na rin ako. Hindi man nila mahal ang isa't- isa, atleast di sila nagkulang sa akin. Mahal na mahal nila ako. Nagmula sa makapangyarihan na angkan ang pamilya nila mama at papa. Nang mga panahong yun, nasa panganib ang kompanya nila mama kaya ipinagkasundo siyang ipakasal kay papa. Pero, nung pagkakataong iyon, dalawang buwan ng ipinagbubuntis ni mama si Rose. Nagalit sila lolo't lola. May plano sanang ipalaglag ang bata pero pinaglaban siya ni mama. Nangako siyang magpakasal kay papa basta ay hayaan muna nilang isilang niya si Rose. Iniwan niya si Rose sa papa nito. Akala nila lolo't lola ay tuluyan ng nakalimutan ni mama ang papa ni Rose, pero ang di nila alam ay patuloy niya pa rin itong pinagmamasdan sa malayo. Lagi silang kinikwento ni mama sa akin tuwing umaalis si papa."

"Sa tagal nilang nagsama, wala talagang nadevelop na feelings? Kahit kaunti?" Si Sarah.

"Wala. Pero mabait naman sila sa isa't- isa. Tsaka naikwento sa akin ni papa na minsan na rin siyang nagkagusto sa isang babae noong hindi pa sila ipinagkakasundo ni mama, kaya nga lang ay hindi siya nabigyan ng pagkakataon na makilala ito."

"Hindi ka ba nagseselos kasi ikaw ang kasama pero ibang tao yung kinikwento niya?" Si Hope.

"Wala akong kapatid kaya masaya akong marinig yung mga kwento ni mama tungkol kay Rose kahit hindi ko pa siya nakikita ng personal noon."

"Eh tungkol doon sa papa ni Rose? Ano nangyari sa kanya? Hindi niya man lang ba pinaglaban yung mama mo?" Curious na tanong ni Kirby.

"Actually si mama mismo nagsabi na itigil na ang kung ano mang meron sila. Pinagtulakan siya ni mama. Alam niyo minsan, nahuhuli ko pa rin siyang umiiyak sa tuwing nakikita yung picture ng papa ni Rose. Ang sabi ni mama kailangan niya raw yung gawin para sa ikabubuti ng lahat."

"Ako naman!" Sigaw ni Redge sabay taas ng kanang kamay.

"Ano to recitation?" Bulong ni Ciyoh.

"Sorry Nat pero kanina ko pa kasi iniisip kung bakit hindi pwedeng magsama si tita Riz, si Rose at ang papa nito?"

"Hindi niyo kilala ang mga magulang nila mama't papa. Hindi niyo alam kung ano- ano ang mga kaya nilang gawin. At promise, hindi niyo gugustuhing malaman. Actually, hindi ko alam kung alam na ba nilang nakakasama na ni mama si Rose. I really hope na hindi na nila ito malaman."

"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit mahal na mahal mo siya." Si Clyne.

"At kung bakit lagi mo siyang kinukumusta sa amin kahit na inaaway ka na niya." Dagdag ni Lalaine.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now