Chapter 25

5 2 0
                                    




Kunot-noong pinagmasdan ni Winwin ang labas ng bahay namin. Maya-maya ay itinaas niya muli ang windshield. Akala ko aalis na siya pero mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang bumaba siya rito at tinitigan ang kanyang phone. Wala sa sariling gumapang ang mga mata ko sa kabuuan nito. Napakaayos at linis tingnan ng asungot.

I quickly closed the jalousie of our window and there I saw my own reflection. Hindi pa ako nakakapaghilamos at toothbrush, magulo ang buhok ko and oh my! May muta ako!

Mabilis akong pumasok sa banyo malapit sa kusina at doon naghilamos. Kumuha ako ng bagong sipilyo dahil nasa banyo ng kwarto ko ang sipilyong ginagamit ko. Gamit ang kamay ay sinuklay ko ang humahaba kong buhok. Hmm, should I cut it again?

Agad akong napailing sa naisip. This is not the right time for that.

Paglabas ko ng banyo ay agad bumungad sa akin ang ingay ng phone ko. He's calling but instead of accepting the call, I ran towards our gate. Nakayuko siya sa phone kaya di niya napansing nandito ako. I tried to open the gate silently, not making any noise because I wanna see his reaction. I heard him mumbling words still with his furrowed brows. Mukhang inis na inis na siya.

"Bakit ayaw sagutin? Eto na ba yung bahay nila?" Aniya at napakamot sa ulo.

"BOOM!" Malakas kong sigaw dahilan para muntik niya nang mahulog ang phone niya. I held my stomach while laughing loudly. "Hahahaha! Only if you had saw your reaction! It was priceless! Hahahahaha!"

After almost a minute, pinunasan ko ang kakaunting luhang namuo sa gilid ng mga mata ko dahil sa kakatawa. He's just staring blankly at me na para akong baliw sa harap niya. Bakit? Nakakatawa naman talaga yung reaction niya ah, tsk, dapat pala niready ko yung camera ko para naman makita rin niya.

"So, what are you doing here?" Tanong ko nang makabawi. He stared at me from head to toe and then he smirked.

"Kaya pala hindi mo sinasagot ang tawag ko. Hulaan ko, mula paggising mo, ngayon ka lang nag-ayos pagdating ko no?" Napamaang ako doon. How did he know?

Wait, baka isipin niyang nag-ayos talaga ako para sa kaniya. Well, oo parang ganun na nga pero hindi! Kahit sino namang tao ang pupunta sa bahay ko mag-aayos pa rin ako. Kahit hindi siya.

"Paano mo nasabi?" I asked him.

"May nakalimutan ka." My eyes immediately widened. Agad akong napatalikod at kinapa ang mata kung may muta pa ba. Wala naman ah. I faced him again and I saw how he stifle a smile.

"Pinagtitripan mo ba ako?"

"Hindi." He simply answered and looked at me again from head to toe. Napatingin din tuloy ako sa sarili ko.

Shit! I bit my lip and akwardly scratched my head. Nakapajama pa ako na puno ng mukha ng panda.

"Cute." He said while smiling. I felt my cheeks reddened. Napatikhim ako't tumalikod.

"Pasok ka." Nakatalikod kong sabi. Nahiya naman kasi ako sa suot nitong black polo shirt, denim shorts at white shoes. May suot din itong itim na relo at kwintas na may maliit na pendant na metal kung saan nakasulat ang TW. Tingin ko'y capitals iyon ng pangalan niya na Timothy Wyndelle. Malinis at maayos din tingnan ang itim na buhok nito. Mariin akong napapikit nang maalalang minsan ko na itong nahawakan at ginulo pa.

"Kamukha mo yung nasa suot mo." Saad nito at pumasok. Tiningnan ko ang napakalaking ulo ng panda na nasa pang-itaas ko. Is it a compliment? Kamukha ko ba dahil cute ito or baka dahil sa eyebags ko?

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now