Chapter 12

13 4 0
                                    



"Napapadalas ata pagkikita niyo nila Dr. Jin ah. Nagtatampo na ako. Di mo man lang ako iniinform." Tita started as we eat our breakfast.

"Pano niyo po nalaman?"

Inangat niya ang phone niya. "Kala mo wala na kaming communication ah. Nagkukwento kaya sila sa akin. Okay lang naman sakin pumasyal pasyal ka pagkatapos ng klase, basta ha huwag magpapagabi ng uwi, tsaka dapat may kasama ka."

"I'm sorry tita, di na kita naabutan kahapon eh. Ubos na rin load ko kaya di na kita natext. By the way tita napansin ko lang lately mukhang mas napapaaga ka na sa work mo tapos ang tagal mo ring umuwi. Bakit po?"

"Miss mo lang ako eh." Sabay tawa nito.

"Miss? Di ba pwedeng di lang ako sanay na walang nagluluto para sa akin dito sa bahay? Miss miss ka jan."

"Ewan ko sayo Iza, napakadefensive mo. Halatang miss mo na ako. Anyways busy lang talaga ako lately kasi ang daming sunod sunod na pasyenteng dinala sa ospital. Lalo na doon sa isang elementary school kung saan na food poison daw ang mga bata. Tsk tsk..."

"Kumusta na po sila?"

"Uyy concern siya! Naku buti na lang pagsakit ng tiyan at pagsusuka lang ang nangyari sa mga yun at di na mas lumala pa. Pagkatapos matingnan at bigyan ng mga gamot, unti unti rin naman silang naging maayos." Buti na lang? Sumakit na ngang tiyan at sumuka tas buti na lang?

"Ay nga pala, ngayon pa lang namimiss mo na ako pano na kaya sa mga susunod na linggo." Napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Luto mo lang yung miss ko hindi ikaw. Tsaka may pupuntahan ka? Sama ako." Saan kaya siya magbabakasyon?

"Di pwede, may klase ka."

"Tita I need to unwind, nakakastress sa school."

"Hoy Iza hindi ako mamasyal ha.  Tungkol sa work to. Di ka kasi nanood ng balita, tss. Isa ako sa mga naka assign ipadala sa Nueva Ecija. Tutulong kami sa mga nasalanta ng bagyo dun."

"Ang layo naman."

"Okay lang atleast nakatulong tayo sa kanila diba? Tsaka kung kakailanganin mo naman ng kasama pwede mo namang tawagin ang mga kaibigan mo."

"Wala akong kaibigan."

"Ows talaga lang ha. Ang sabi nila Dr. Jin ang dami mo raw kasama kahapon. And they told me that they're nice and funny. Base sa mga kwento nila di naman sila bad influence sa'yo. Ba't di mo sila ipakilala sa akin?"

"Seriously tita? Nice and not bad influence ha?"

"Oo, baka nga ikaw yung BI sa kanila. Let's just enjoy this breakfast okay? Aalis na nga ako tapos aawayin mo pa ako." What? Di ako nang aaway ha. And ako BI? Kailan pa aber?

"Kawawa talaga yung mga nasalanta ng bagyo doon. Ang sarap sa pakiramdam na isa ako sa mga naassign tumulong sa kanila." Saglit akong napahinto.

"Tita?"

"Hmm?"

"Why do you think he's doing all of those things?"

"Sino? Yung nag assign sa akin? Grabe ka naman Iza, wala ka bang tiwala sa akin?"

"No Tita,  I mean.... Him." I looked intently into her eyes while emphasizing the word HIM.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now