Chapter 34

5 2 0
                                    


Timothy Wyndelle's POV

"Just stay here son. I'll be back asap. Wag na wag kang lalabas hangga't di ako bumabalik." Nagmamadaling wika ni Papa habang inaayos ang seatbelt ko sa loob ng sasakyan ni Uncle Robert, kaibigan niya. Agad kami nitong pinuntahan nang malaman ang nangyari.

Kasama si Uncle Robert ay dali-dali itong sumama sa mga pulis kaya't naiwan akong tulala sa loob ng sasakyan.

"Mama." Wika ko sa kawalan. Kahit trese anyos na ako, bigla ay parang gusto kong tumakbo papunta kay mama at humingi ng yakap niya.

Marahan kong tinanggal ang seatbelt at lumabas ng sasakyan. Tahimik ang paligid at malayo sa mga taong nagkukumpulan tulad kanina, ilang metro ang layo sa kung nasaan ako ngayon.

Ngunit agad na nasira ang katahimikang iyon dahil sa iyak ng isang bata o halos kasing edad ko lang yata. Sinilip ko ang likod ng sasakyan at nakita roon ang isang batang babae na nakaputing dress. Napalunok ako nang makakita ng maraming dugo rito. Kasama niya ang babaeng medyo kahawig niya. Ewan, siguro ay Mama niya.

Saglit siya nitong inalo at kinausap pero hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak ang babae. Tulad ko ay iniwan siya nito at dali-daling pumunta kung saan dumaan rin sila Papa at Uncle Robert.

Sinundan niya ng tingin ang kakaalis lang na babae dahilan para makita niya ako. Saglit siyang natigil sa pag-iyak at tinitigan din ako. Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa loob ko. Parang may nagtutulak rin sa akin na ilabas ang lungkot na nararamdaman ko. Tulad niya ay gusto ko ring umiyak pero pinilit kong labanan ito. Tulad nang kung paano ko ito labanan kanina pa.

Gamit ang likod ng palad ay pinapahid nito ang luha niya. Marahan itong naglakad papunta sa akin kaya't tuluyan na akong lumabas sa pinagtataguan ko. Nang makalapit ay malaya kong napagmasdan ang mukha nito. Mula sa mga mata, ilong, pisngi at labi. Maganda siya.

Saglit akong napapikit at kahit sa isipan ko'y dumikit na ang imahe niya.

Ayokong umiyak. Kapag umiyak ako ay iiyak din siya. Ayokong umiyak siya.

I gave her a smile. Ngumiti ako, kahit na gusto ko nang umuwi kay Mama at umiyak sa bisig niya. Nginitian ko ang babaeng kaharap ko.

"Birthday ko." Wika nito na parang nagsusumbong. Kusang tumulo ang mga luha niya. Nagtataka ko siyang tinignan. Kung ganun, bakit siya umiiyak?

"Tapos nawala sila Mama at Papa." Dagdag pa nito. Ngumuso siya't muling umiyak. Hindi ako lost and found. Hindi ko alam kung bakit parang nagsusumbong siya sa akin. Pero hinayaan ko na lang siya dahil tingin ko, iyon ang kailangan niya.

"Wala kang sasabihin?" Tanong nito habang pinapahid ang mga luha niya gamit ang likod ng palad. Bigla naman akong nangapa ng sasabihin.

"Mukha kang batang white lady." Sagot ko dahil wala na akong ibang masabi. Ngunit mas lalo lang itong naiyak. Hala!

Mabilis kong tinanggal ang hoodie na suot at inabot sa kanya. Kinuha niya naman iyon at nilagay sa mukha. Doon siya umiyak.

"Wag mo lalagyan ng sipon. Mahihirapan maglaba si Mama." Bigla kong sabi.

Naupo kami sa gilid ng daan habang mahina pa rin siya umiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin para lang mapatahan siya. Habang tumatagal ang iyak niya ay para siyang konsensya ko na nagsasabing umiyak na rin ako.

Ilang minuto ang nakalipas ay dumating ang babae kanina at tinawag niya itong Tita. Binalik niya sa akin ang hoodie ko na parang nilabhan dahil sa sobrang basa. Nang paalis na sila ay sakto ring dumating sila Papa at Uncle Robert na may seryosong mga mukha. Bigla ay naalala ko ang nangyari kani-kanina lang.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now