Chapter 6

13 4 0
                                    




"Ma, Pa" nararamdaman kong may mahinang tumatapik sa pisngi ko.

"Iza gising na, Shh Iza" pagmulat ko ay nakita ko si tita. Inabutan niya ako ng isang basong tubig tulad ng lagi niyang ginagawa sa tuwing napapanaginipan ko sila mama.

"Okay ka lang?" nag aalala niyang tanong. Napatango naman ako.

"Di ka na nasanay sakin tita." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Eh lagi ka kasing umiiyak kahit tulog ka eh, bumangon ka na nga dyan. Baka malate ka pa sa klase niyan eh." Napatango ulit ako.

"Pero alam mo, napansin ko lang lately di ka na masyado nananaginip tungkol sa kanila at mukhang mahimbing na ang tulog mo,  ngayon lang ulit." Pahabol pa ni tita habang nakangiti bago tuluyang umalis sa kwarto ko.

Seryoso lang akong naglalakad papuntang classroom. Hindi pa nga ako nakakaabot naririnig ko na ang mga boses ng mga kaklase ko. Mukhang wala pa ata si Maam Sharlene.

Pag open ko ng pintuan ay nagulat ako sa nasaksihan ko. Lahat sila ay may kanya kanyang hawak ng binolang mga papel, ang ilan ay walis paypay, tingting at dustpan. Lahat sila ay nagbabatuhan at naghahampasan habang masayang nagsisigawan at nagtatawanan. Ang ilan pa ay nasa itaas ng mga armchairs, mapababae man o mapalalaki. Bago pa man ulit ako makalabas ay hinila na ako ni Harrison at ginawang pangcover niya sa mga nagbabato ng mga papel sa kanya.

S-sh*t ka Harrison. Nagulat ang iba at nagsorry nang mapansin nilang ako iyong natatamaan, ang ilan naman ay tumawa lang at patuloy pa rin sa pagtapon. Mahigpit ang pagkakahawak ni Harrison sa balikat ko kaya nahihirapan akong tanggalin ito.

"Huy andyan na si maaaam!" Sigaw ng isa at nag trasform naman agad ang lahat. Binitawan na ako ni Harrison at nagkunwari siyang kanina pa nagpupulot ng mga papel. Ganoon din ang ginawa ng iba at mayroon pang nagwalis gamit iyong mga bitbit nilang walis na pinanghahampas kanina. Ang iba ay inarrange ang mga nagkalat at natumbang mga armchair. Maya maya pa ay pumasok na nga si Maam Sharlene.

"Grabe nakakapagod talaga maglinis noh?" Pagpaparinig ni Kirby.

"Ano ka ba Kirb, wag ka nga magreklamo, para rin naman to sa atin eh." saad ni Harrison.

"Oo nga Kirb, tayo lang din naman ang gumagamit nitong classroom ah." saad rin ni Redge. What the?

Nagpipigil naman ng tawa iyong ilan lalo na ang mga babae. Lalo na ng narinig nila ang sinabi ni maam.

"Ang babait naman ng mga estudyante ko, ang aga niyo atang dumating para maglinis ah?" Nakangiting sabi ni maam sa kanila. Nagngising dimunyu naman ang mga kaklase ko, only if you know what they did a while ago maam. Baka imbis na purihin sila ay pagalitan mo pa sila. Napatingin naman si Harrison sa akin.

"Oh Lhou, kanina mo pa ako pinapanood dito, ba't di mo kaya kami tulungan?" Nakangising tanong ni Harrison. Napairap naman ako at tinulungan na lang silang magwalis.

"Ayaw talaga akong pahirapan ni Lhou maam, lagi niya na lang akong tinutulungan. Alam ko namang may crush ka sa'kin Lhou eh, di mo naman kailangang ipahalata." Gulat akong napatingin kay Harrison. Nakangisi naman si maam at mukhang napaniwala ni Harrison. Nagpipigil pa rin ang ilan ng tawa. Mautot sana kayo.

"Ang kapal naman ng mukha mong Harrison ka! Napakasinungaling mo! Akala mo ba kinagwapo mo yan?" Di ko na napigilan ang sarili ko at nasagot ko siya. Tuluyan naman nang napatawa ang mga kaklase ko, maging si maam.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now