Chapter 32

19 3 0
                                    

Malayo ang tinging pinagmamasdan ko ang tahimik na kalsada habang nakaupo sa loob ng isang cafeteria. Wala masyadong sasakyan. Walang maiingay na naglalakad sa gilid ng daan. Napakapayapang pagmasdan pero hindi nito kayang punan ang kakulangang nararamdaman ko.

"Girl yung kape mo lalamig na!" Biglang ani Jaiza. Binalingan ko siya ng tingin at nginitian.

"Ang tahimik ng kalsada."

"Malamang eh napakaaga pa kaya. Tingnan mo mamayang ten dadami din yung mga tao. Magiging maingay din yan." Sagot nito habang ngumunguya ng cupcake. Sa tabi niya ay nakaupo si Terry at Sammy habang palihim na naghahagikgikan sa binabasang magazine. Sa tabi ko ay si Cecille na kumakain din ng cupcake niya.

"Tulad ng kung paano tayo dati?" Bigla kong tanong na ikinatigil nila at mapatingin sa akin. "Parang kahapon lang dalawang kamay pa ang kailangan ko para bilangin kung ilan tayo. Ngayon isang kamay na lang." Natatawa kong dagdag pero mayroong tumakas na mga luha galing sa mga mata ko. Ewan ko nga kung bakit kinakailangan ko pang bilangin ng ganoon eh isang sulyap pa nga lang ay makukuha mo agad kung iilan na lang kaming natira.

"Lhouiza--"

"Hindi." Tinaas ko ang dalawang palad. "Sorry, naiintindihan ko naman eh. Ewan ko ba kung ba't ang drama ko ngayon." Pinunasan ko ang mga luha at nag-thumbs up sa kanila para siguraduhing maayos lang ako.

"Okay lang yan. Magkikita pa naman ulit tayong lahat eh. Makukumpleto ulit tayo." Natatawang wika ni Cecille pero naluluha rin.

"Baka naman nag-aalala ka lang dahil wala ngayon si Tim. Don't worry, magkasama sila ngayon nila Daniel. May inaasikaso lang." Saad ni Sammy at nginitian ako.

Sapat nang malaman ko na hindi rin sila umalis, lalong lalo na si Winwin. Pero ewan ko nga ba kung bakit ayaw pa rin mawala ng bigat sa loob ko. Simula paggising ko kaninang umaga ay bigla kong naramdaman ang malaking kakulangan sa akin. Kakulangan na tingin ko ay hindi na mapupunan pa kailan man.

Nakadagdag pa si tita sa nararamdaman kong iyon dahil paggising ko ay nakaalis na siya  na nakakapagtaka rin. Noong mga nakaraang araw kasi ay lagi siyang late nagigising na para bang may pinagpupuyatan.

"Okay ka lang?" Tanong ni Terry na ikinatango ko. Pinanliitan niya ako ng mga mata. Naniniguro. "Sigurado ka?" I gave them a smile even though naweweirduhan ako sa nararamdaman ko.

"Good. Ngayon tapusin mo nang iniinom mo at papanhik na tayo. Lezgerit!" Si Jaiza na sinuportahan ng kakaibang ngiti ng tatlo.

"Teka, saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila nang mapagtantong magdadalawang oras na kami sa byahe sakay ang isang itim na van. Kahit kakilala ni Cecille ang driver ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

"Umidlip ka muna. Gisingin ka na lang namin kapag andun na tayo." Sagot ni Jaiza.

"Hindi ba't parang ang layo na ata natin?" Kinakabahan kong tanong.

"Relax Lhouiza. Kapag nakarating tayo doon siguradong matutuwa ka." Dagdag ni Cecille na nasa harapan. Sila Sammy at Terry ay tuluyang nakatulog na.

"Mukhang pagod na pagod ata ang dalawa. Ano bang pinagkakaabalahan ng mga 'to eh summer na summer." Huli kong saad bago ipinikit ang mga mata at naghintay dalawin ng antok.

"Baby, malapit na ang 12th birthday mo, what kind of gift do you want from us?" Kumunot ang noo ko sa pamilyar na tinig na iyon. Unti-unti kong ibinukas ang mga mata at ganoon na lamang ang pinaghalo-halong emosyong naramdaman ko.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now