Chapter 58

701 41 4
                                    

GELLY

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

GELLY

Pinakiramdaman ko kung may kakaiba ba sa labas pero wala na akong narinig na ingay at pag uusap,sumibol ang pag aalala ko para kay Ms.Rheo lalo na ng maalala ang pangyayari kanina kung saan pinuntahan siya dito ni Madam Clara para lang patayin.

Dahan dahan akong lumabas ng banyo at nagulat ako ng makita si Madam Clara na wala ng buhay at nakahilata sa sahig habang ang noo ay butas ng dahil sa bala.

Nag iwas agad ako ng tingin at agad akong tumakbo papalapit kay Ms.Rheo ng makita kong pati siya ay nakahilata sa sahig habang duguan.Hinihingak siya at kinakapos ng hininga ng dahil sa dugong nawala sa kanya.

"Ms.Rheo!"

Tinignan niya ako at nginitian.

"N-nakahingi ka ba ng tulong?"tanong niya at tumango tango ako.Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti ng dahil sa sinabi ko.

"Gelly,may sikretong lagusan sa paaralang ito,naalala mo ba ang abandonadong building na pinuntahan ninyong mga top 10?"tumango ulit ako at pinipilit ni Ms.Rheo na huwag mautal upang makapagsalita ng malinaw at maayos.

"O-opo."

"Good,iba ang building na iyon,hindi iyon ang building na pinuntahan ng dating mga top 10,n-nasa likod ng estante ng mga bungo ang lagusan,y-yung mapa naka ipit sa libro sa b-bookshelf."nahihirapan niyang sabi at hinawakan ko ang kanyang mga kamay.

"E-escape."

Yan ang tangi niyang nasabi bago unti unting ipikit nag mga mata,ang mga nangingilid kong luha kanina pa ay agad na nagsibagsakan.

"Thank you for sacrificing your life and for helping us.May you rest in peace Ms.Rheo."

Agad akong tumungo sa bookshelf,tinanggal ko lahat ng librong naroon at chineck isa isa kung nasaan dito ang nakaipit na mapa.

Halos makalahati ko na ang mga libro na nandito hanggang sa makita ko ang mapa,binuksan ko ito at ang una ay nakita ko kung saan nakalagay ang abandonadong building,at sa ia naman ay ito na ang mapa sa loob ng building kung saan matatagpuan ang isa pang secret room na nasa underground kung kaya't nung nandoon pala kami ay mainit at nakaka suffocate.

Tinago ko ito sa aking bulsa at agad na umalis ng office ni Ms.Rheo.Lumabas nadin ako ng building,mabuti nalang at nababalot sa plastic cover ang mapa,para bang handang handa si Ms.Rheo na protektahan ang mapang iyon.

Habang tumatakbo ay hinahanap ng mga mata ko sila Xyra,Luna at Nikee.Hindi lang iyon ang ginawa ko kundi ang mga estudyante na nadadaanan ko ay tinatawag ko dahil kailangan naming pumunta ng sabay sabay sa secret room.

Naniwala agad sila sa akin dahil halata sa mga ito ang pagka deaperado at deaperadang makalabas na agad sa lugar na ito,habang parami ng parami ang mga estudyanteng kasama ko ay tinutulungan nadin nila akong mag aya.

Bloody University Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora