Chapter 5

1.3K 79 9
                                    

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


XYRA

Grabe naman to,ang daming damit na magaganda at nandito narin ang mga uniform ko.

Pero.....ma a-apreciate ko na sana kaso nung tinignan ko isa-isa ang mga damit ay nanlumo ako.

Paano ba naman kasi,wala ka man lang makitang damit na walang makikitang balat sayo lahat crop top,tube,off shoulder at marami pang klaseng iba.

Wala ka din man lang makitang matino sa mga pambaba lahat puro shorts short,skirt na maikli,pantalon pero parang naka short ka na lang din dahil sa daming punit nito tsk tsk.

At kumusta naman ang uniform ko?well nakakainis!okay na sana ang blouse dahil maganda at parang pang korea,ang nakakainis lang ay ang napakaikling skirt nito grrrrr ano bang tingin nila sa lahat ng mga babae dito?mahaharot?ahhhhhhhhhhh!!

Sa sapatos naman ay may mga rubber shoes din at magagandang klase ang mga ito,meron din namang mga boots,slipper,at sandals and worst mga heels.

Humiga ako sa kama at naramdaman ang bango at ang lambot nito.

Teka ano nga yung meaning ng BU?Bloody University?Shems ang weird at ang creepy,ano ba namang klaseng pangalan yan?ang weird talaga ng school na to nakakatakot,gusto ko sanang isipin na baliw ang nagpangalan sa school na 'to.

At di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

***

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock.

Grabe pati pala alarm clock na set na nila.

Ang sakit ng ulo ko tch.

Nakalimutan ko nga pala tanggalin ang salamin ko bago matulog kaya pala ang sakit ng ulo ko psh.

Naglakad ako ng nakapikit habang kinukusot ang mata ko at kasabay non ang paghikab.

Nauntog pa ang ulo ko sa pader pero di parin ako natinag sa paglalakad.

And at the end nakarating narin ako sa loob ng cr at heto ako ngayon naliligo na.

Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako at di parin ako makaalis sa harap ng full length size na salamin.

Grrrrr nakakainis naman tong uniform na to grabe tsk tsk,ang fit ng blouse at ang ikli ng skirt buti na lang at makinis ang hita ko kahit papano.

Hay nako!maka alis na nga at baka ma late pa ako ng pasok tch,pano ba naman pasukan na agad nila ngayon at first day,kagabi ko lang nabasa pero yung schedule lang kasi nakatulog ako kaagad.

Mamaya ko na lang babasahin ang mga rules.

Infairnesssssss nagmukha akong tao ha!,haha.

Kinuha ko na ang bag ko at oo ngayon ko lang nakita na may gamit na pala ako dito at galing rin sa school na ito.

Pinasadahan ko ulit ang aking sarili sa harap ng salamin.

Mula sa itim at mahabang kulot-kulot kong buhok na nakalugay at buhol buhol na gulo gulo(well wala akong time magsuklay eh),makapal na kilay,makapal na grado ng salamin at ang hugis nito na bilog na pagkalaki laki,at ang brace na nasa ngipin ko.

Nakasuot ako ng uniform,at nagsuot ako ng above the knee na medyas na mayroong ibat ibang kulay para naman kahit papaano ay matakpan ko ang kutis ko,at imbes na black shoes, rubber shoes ang isinuot ko...

...that's my style *wink

Ng makuntento ay lumabas na ako ng dorm at nilock ko na ang seradura ng pinto.

Naglalakad na ako sa hallway at ngayon ko lang napansin na ang daming matang nakatingin sakin---oh let me rephrase that let's say ang daming nakatitig sakin!

Hindi lang basta titig ang nakikita ko sa kanilang mga mata pero hindi ko mabasa ang mga ibig sabihin ng kanilang titig.

Minabuti ko na lang na umiwas ng tingin at sa halip ay yumuko na lang ako habang naglalakad.

Hindi ko matagalan ang mga titig nila parang may kakaiba pero hindi ko mabasa.

Ano ba ang gusto nila ipahiwatig?nakakailang na ang katahimikan dito, kabaligtaran ito sa paaralang pinapasukan ko noon na bawat daan ko sa kanila ay binibigyan nila ako ng mapanghusgang tingin at masasakit na salita----pero dito napakatahimik at kakaiba ang kanilang titig.

Expected ko na ,na sa unang kita palang nila sakin ay b-bulihin na nila agad ako.

Una pa lang ay na w-weirduhan na ako sa paaralang ito!nakakatakot masyado ang atmosphere.

Naramdaman ko na lang na napaupo ako sa sahig dahil may nabangga ako at di ko yon namalayan dahil sa lalim ng aking iniisip.

Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang lalake na nasa harapan.

Gwapo ito,matangkad din sya,at maputi,masama ang tingin sakin nito na para bang tino-torture nya na ko sa isipan nya,----at hindi ko alam kung bakit ko pa sya dine-describe kahit na kabadong kabado ako.

Agad akong tumayo at pinagpag ang pwetan ng skirt ko,nakayuko lang ako dahil sa takot na masalubong ang tingin niya.

"Transferee?"maikli nyang tanong na agad namang nakapagpa-tango sakin.

Nakita ko sa sulok ng aking paningin na may gumuhit na isang nakakalokong ngisi sa kanyang labi.

"Let me welcome you rat!"pagkasabi niya na yon agad kong napansin na ang apat na lalake sa likod nya ay nagsilapitan sakin at marahas na inagaw sakin ang bag.

"A-akin na yan!"lakas loob ko pero di nila ako pinakinggan at patuloy parin sila na pinaglalaruan ang bag ko.

"P-please a-akin na yan"pakiusap ko pero sinasagi nila ako ng malakas at oo aaminin ko masakit at alam kong sinasadya nila yon.

Naramdaman kong may umapak sa paa ko.

"A-ack"angil ko dahil feeling ko lamog na lamog nako dito at marami na ring pasa.

"Stop."napatigil sila sa kanilang ginagawa ng may isang lalakeng papalapit samin at aaminin ko na nakakatakot sya,malakas ang dating nya at maririnig mo ang mahihinang tilian ng mga babae,masasabi mo rin na mas sobrang angat ng itsura nito kesa sa nakabunggo ko kanina.

Tumigil naman sila agad at kita sa kanilang mata ang takot.

Kinuha ng bagong dating na lalake ang bag ko at lumapit sya sakin.

Nabuhayan ako ng loob.Grabe buti na lang mabait ang isang toh,napangiti ako dahil sa pag-asa....pero doon ako nagkakamali,nawala ang ngiti sa aking labi ng pagmasdan ko ang bag ko na unti-unting nilalamon ng apoy.......sa mismong harapan ko.

Isang ngisi ang nakita ko sa kanyang labi at ang mga mata nyang tumatawa dahil sa reaction ko kanina na nagmukha naman akong shunga..

....what a fool of me

"A splendid welcome,eh?"

Bloody University حيث تعيش القصص. اكتشف الآن