Chapter 55

664 47 1
                                    

XYRA/AMBER

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

XYRA/AMBER

Nanatili akong nakapikit pero gising na ang diwa ko,hindi ko lang talaga maimulat ang aking mga mata dahil sa sobrang sakit ng ulo,para akong nahihilo,inalala ko ang mga pangyayari kanina.

Kumuyom ang kamao ko ng maalala kong tinraydor kami ni Reni,pagkatapos ng lahat na pinagsamahan namin,pagkatapos lahat ng mga alaalang binuo namin,pagkatapos ng mga problemang nalagpasan namin,ito lang ang igaganti niya?

Tinuring namin siyang kapatid at kaibigan,tinuring namin siyang miyembro ng Five Hearts,sinama ko pa nga siya sa paglalagay ng tattoo tapos ano 'to?

Kumirot ang dibdib ko ng maalala ang mga tawanan,biruan,tuksuan,asaran at iyakan,lahat ba iyon ay peke?Tinuring niya din ba kaming kaibigan?

Itatapon niya nalang iyon ng ganon ganon lang?Kaibigan ba talaga ang turing niya samin o all this time ay nagpapanggap lang pala siya.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko,noong una ay malabo pero kalaunan ay unti unti nading luminaw,inilibot ko ang aking paningin,nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan ng mapagtantong nakahiga ako sa dentist bed katulad ng sa video na pinanood sa akin ni Raven.

Kinilabutan ako ng maisip kung ano ang maaring gawin nila sa akin.Iniisip ko palang na isa isang tatanggalin ang ngipin ko ay gusto ko ng mahimatay.Iniisip ko palang na kakabitan ako ng mga matutulis na bakal sa gilagid ay nangingilabot na ako.Iniisip ko palang na isa isang tatanggalin ang mga kuko ko sa daliri ay nauubusan na ako ng dugo.At iniisip ko palang na ang ipapalit sa aking kuko ay bakal para akong aatakihin dahil sa kaba.Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng takot.

Napalingon ako sa isang lalake na balbas sarado,nakasuot ito ng lab gown pero wala siyang facemask at laboratory eye glass,tanging gloves lang.

Otomatiko na nanlisik ang mga mata ko sa kanya kahit na hinang hina na ng makita ko ang nameplate sa kanyang kanang dibdib.

Damon Odette.

Parehas silang baliw ng asawa niya,siguro kasama na doon ang anak niyang si Weina.Baliw silang magpapamilya.

"Oh,ang sama naman ata ng tingin na yan,ayaw mo ba ng libreng pabunot sa ngipin?Minsan lang 'to."tumawa siya sa sinabi niya pero hindi ako umimik at tahimik na nangitngit ng ngipin dahil sa galit.

"Tsk,tsk,papalitan natin yang mga ngipin mo.Mas magiging maganda ka kapag bakal na yan.Ayaw mo yun?"sambit niya pa at inayos ang kanyang gloves,parang lalabas ang puso ko ng magsimula siyang tumingin sa lamesa kung saan naroon ang kanyang mga gamit na tool kits.

Nanghihina ang katawan ko at hindi man lang makagalaw,ang boses ko ay nanunuyo nadin at uhaw na uhaw.Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sakin,hindi ko din alam kung tinurukan niya ako ng pang pa paralyzed o sadyang nawawala na ang epekto ng gamot na ibinigay ni Nikee.

Bloody University Where stories live. Discover now