Chapter 8

1.1K 65 5
                                    

XYRA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

XYRA

Naglalakad kaming dalawa ni Nikee papunta sa cafeteria,may schedule kasi ang pagkain ng mga estudyante dito at dapat ay sabay sabay base sa libro na nabasa ko kanina.

"Teka,narinig ko kanina na may pinapagawa sayo sila Blossom,ano yun?"tanong ko ng maalala ko ang nangyari kanina lang.

Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong hininga bago sagutin ang tanong ko.

"As usual,ako ang kumukuha ng pagkain nila sa counter,salamat pala sa uniform na pinahiram mo."sambit niya,akala ko ba naman kung ano na.

"Walang anuman,pero sabi kanina sa book na nabasa ko na kapag nilabag mo ang isang rule ay makakatanggap ng. . .punishment,right?"ako na mismo ang kinabahan sa sinabi ko dahil nakita ko din base sa reaksyon ni Nikee na ginapangan siya ng kaba at takot.

"T-tama ka. . .Dadalhin lang naman ako mamaya sa P-punishment Room."pilit niyang pagpapanatag sa boses niya pero hindi padin nawala ang pangamba ko.

"Ano naman ang gagawin sayo doon?Punishment Room?"nagtataka kong tanong dahil bago sa pandinig ko ang Punishment Room na iyan.

Ano bang ginagawa sa mga lumalabag ng rule?buti nalang at first day ko ngayon kaya exempted ako.

"Kapag may nilabag ka na rule,sa Punishment Room ang diretso mo at katulad ng pangalan ng room. . .paparusahan ka."aniya na nakapag pataas ng balahibo ko dahil nag iba ang tono niya sa huling salita.

"A-anong klaseng parusa?"napalunok ako.

"Sasaktan ka sa iba't ibang paraan. . .pero wag kang mag alala dahil hindi ka tutuluyan,papahirapan lang."sambit niya na parang kampante talaga siya.

Anong ibig sabihin niya sa iba't ibang paraan?

"First time mo ba na mapunta doon?"tanong ko dahil base sa ekspresyon niya ay may alam siya kung ano ang nasa loob.

Umiling muna siya bago sagutin ang tanong ko at huminto sa paglalakad kaya ganun din ako."Pangatlong pasok ko na doon mamaya,pero buhay pa ako diba?Ang masasabi ko lang sayo ay wag na wag kang lalabag sa rules o kaya naman wag kang papayag na matulad ka sakin,katulad kanina nung binully ako nina Blossom ay nawalan ako ng malay kaya naman hindi ko nagawang pumasok sa klase,at dahil don ay nalabag ko ang rule."sambit niya ng hindi lumilingon sakin.

Nandito kami sa hallway ng third  floor,mahangin at nakatanaw lang siya sa ibaba habang ang kanyang isang kamay ay nakahawak sa railings.

Malayang tinatangay ang kanyang mahabang buhok at dahil dun ay makikita mo sa mukha niya ang mga pasa at sugat,maging sa leeg at braso.

May itinuro siya kaya naman sinundan ko ito ng tingin at nakita ko sa malayo ang isang silid na gawa sa semento,nag iisa ito sa masukal na puno na walang katao tao at halang luma nadin ito.

Bloody University Where stories live. Discover now