Chapter 35

921 74 8
                                    

GELLY

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.


GELLY


Pinagmasdan ko ang tatlo kong mga kaibigan na nakatulala lang sa kawalan, nandito nanaman kami sa dorm nila Luna at Xyra,umaasang isang araw ay bumalik dito si Xyra at gulatin kami pero....nakalipas na ang ilang araw at ito na ang araw kung saan magkakaroon ng magarbong party ang Bloody University upang ipagdiwang ang kaarawan ni Mrs.Clara Odette,ang principal at namumuno sa paaralang ito.


May limang box na nakalagay sa lamesa,ngunit alam naming walang magsusuot ng isa,dahil wala siya.


"Pwede bang wag na tayong umattend?"walang buhay na sabi ni Nikee,walang umimik na kahit sino kaya napag isipan kong ako nalang ang sumagot.


"Sa loob ng limang taong pananatili natin dito,nakalimutan mo ata na pinapapatay ni Mrs.Clara ang kung sino mang hindi umattend sa kanyang party."sagot ko,hindi ko maiwasang kilabutan ng maalala ko ang isang pangyayari noong nakaraang taon.


Isang grupo ng kabataan na may malaking galit kay Mrs.Clara dahil nakulong sila sa B.U,naisipan ng grupong iyon na huwag nalang umattend sa party ni Mrs.Clara dahil sa galit at kinabukasan,pagkatapos palang ng party,naabutan ang limang bangkay na nakabigti sa isang lugar kung saan makikita ng lahat,punong puno ang mga katawan niyo ng mga pako at bubog,halata sa mga mukha nila na pinahirapan sila bago patayin.


Ayokong mangyari iyon sa akin pati nadin sa mga kaibigan ko kaya kahit anong mangyari pupunta kami ng party.


Nagulat kaming lahat ng biglang kalabugin ni Reni ang lamesita.Nasa kanya ang atensyon namin at nagtataka kung bakit parang ang liwanag ng kanyang mukha.


"May naisip ako!"masigla niyang sabi,tamad naman na sumagot si Nikee.


"Ano?"


"Diba bawal ang hindi umattend sa party ni Mrs.Clara?At dahil doon,may malaking posibilidad na umattend si Xyra ng party na iyon!"nagkatinginan kaming lahat at nabuhayan sa sinabi ni Reni.


"Hindi naman patay si Xyra,right?At dahil doon,malinaw sa atin na naglayas siya,pero bakit?"tanong ni Nikee.


Araw-araw kasi kaming pumupunta sa Janitor's room para itanong kung nakita ba nila ang bangkay ni Xyra sa pamamagitan ng pag describe sa kanya,pinakitaan pa namin ng mga pictures para masigurado pero sa loob ng mga araw na ito,wala naman daw.


Pero ano nga bang rason para mag layas si Xyra?May nagawa ba kaming mali?Sa pagkaka alam ko ay masaya pa kaming lima na nag bonding bago siya umalis.


"Magbihis na tayo,kapag nakita natin si Xyra sa party,sampalin natin isa isa."gumaan ang pakiramdam ko sa biro ni Nikee at malakas din ang kutob ko na makikita nga namin si Xyra sa party.


Nagsimula na kaming magbihis,napansin ko lang na kanina pa tahimik si Luna at halatang balisa,sa sobrang lalim ng iniisip niya,hindi na nga niya alintana na mag suot ng cocktail gown na kulay dilaw.


Bloody University Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora